Sunday, June 27, 2010

Kish Me - Kwentong Dubai Unang Kabanata


Marami ang mga pinoy na nakikipagsapalaran para maghanap ng trabaho sa UAE ay mga visit visa. Ibig sabihin mga ilang linggo lang ang palugit para makahanap ng employer at makakuha ng working visa. Parang nagtutulay ka sa alamre pag napadpad ka sa UAE sa ganitong status. Dahil hindi mo alam kung kailan ka magkakatrabaho ng matino at kung hindi ay malamang gagastos ka ng malaki dahil dapat mong mag exit sa UAE. Gagastos ka na naman para sa panibagong visa para makapasok sa  ulit sa UAE.

Isa ako sa mga nag lakas loob na maghanap ng magandang kapalaran sa Dubai.  

Syempre bagong dating sa Dubai. Walang pera dahil naubos ang pera ko pagbili ng visit visa. $ 100  lang at lakas ng loob ang baon ko. At syempre paawa effect sa mga kaibigan para pautangin ng pang bed space at pambili ng pagkain. Inutang ko pa sa tito ko ang pamasahe ko sa Emirates Airlines. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Sa ilang taon din na nagtrabaho ako sa pinas ni singkong duling wala akong ipon. Mas mahirap pa ata ako sa daga.

August ako ng dumating sa Dubai noon. Napansin ang kakaibang init ng panahon paglabas ko pa lang ng eroplano. At take note ito ang unang bansang napuntahan ko.

Napadpad ako sa bandang Karama. Nakibed space ako sa isang flat sa may Al Attar building.  Dahil sa dami ng pinoy , maituturing kong isang malaking barangay ang Al Attar building. Sa flat kung saan ako unang tumira, 22 kaming mga barako ang nagsiksikan sa mga double deck na kama. Yong isang kwarto 6 ang natutulog. Sa salas na ginawa na ring kwarto ay walo at sa hallway kung san ako nakapwesto ay anim. Sa isa pang  kwarto ay para sa mag asawang may ari ng flat.

Sa pwesto ko laging gabi. Shifting kasi ang kasama ko sa kwarto na ang partition ay isang makapal na kurtina kaya madalas patay ang ilaw. Ang banyo walang linisan kaya mas mapanghi pa sa pink na urinals na pinauso ni Bayani Fernando sa EDSA. Sa kusina nakapila hanggang pinto ang mga labahan lalo na pag friday sa iisang front load na washing machine.

Pag tulugan na, lagi kong katabi ang pula kong flashlight. Pangbugaw ko sa mga suking arabong ipis na ginagawang playing field ang kama ko.  At siyempre ang  mga surot na paborit akong ngatngatin.

Sa karama natuto akong magtipid. Sa dami ng nagluluto ng hapunan at pang baon sa kusina, nagkasya na lamang ako sa isang shawarma at 7 up sa gabi. Solb ba ako. Wala namang TFC pa non sa flat dahil dagdag gastos pa. Kaya inaaliw ko na lang ang sarili kong tumambay sa bilyaran sa ground floor sa Al Attar bago matulog.

Ang Karama area ay isa sa sikat na lugar ng mga pinoy sa Dubai. Feeling mo nasa DV mall ka lang dahil ang ibang mga lahi na tindiro sa mga tindahan ay natuto na ring magtagalog. Dito makikita ang karamihan na mga pinoy restaurant tulad ng Chowking, Agimono Restaurant, Delmon restaurant, Tagpuan restaurant,  Bulwagan  Filipino Restaurant, Salt and Pepper Restaurant at kung ano ano pang mga lugawan, gotohan, sago at tokneneng. Nandyan din ang mga pinoy grocery na kung saan makakabili ng mga pork products at mga pagkaing  pinoy.  Giant Supermarket, CM Supermarket, WestZone Supermarket, Thomson Grocery at iba pa.

Sa Karama rin ako unang nakahanap ng trabaho.

Itutuloy.............


Wednesday, June 23, 2010

Interesting Facts About Breasts

YM hack

isang tagpo sa YM chat:

friend ko daw: musta na favor naman
me: yes
friend ko daw: musta na san ka ngayon
me: dito sa bahay ikaw?
friend ko daw : bahay ng friend ko
friend ko daw : ask ko lang baka meron ka alam na mabibilan ng prepaid cards load
me: o ano balita
friend ko daw : baka meron ka alam
friend ko daw: nid ko kasi business ko kasi dito hindi ko makontak yung supplier ko
friend ko daw: kahit tubuan ko nalang sayo
me: wla akong alam sa tindahan
me: wala akong pera
me: marami na kasing ganitong style. at na hack ang mga email address. at alam ko isa ka sa mga hacker! utang ina mo!

========================================================== 


Mga aral:

1. tumawag, magtanong at mag imbestiga
2. wag maniwala kaagad
3. wag kang engot
4. magmura kung kinakailangan

Tuesday, June 22, 2010

Ang buhay OFW nga naman......


Mahirap ang buhay ng isang OFW na mahiwalay sa pamilya sa mahabang panahon para mabigyan ng kunting kaginhawaan ang naiwang pamilya sa Pinas. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon kailangan mo pang makipagsapalaran sa ibang bansa para matugunan ang mga pangangailangan ng pamilya. Madaling sabihin pero ang proseso at pag aayos ng mga papeles ay matagal. Pag minalas pa ay maloloko ka pa ng agency na pinag aplayan mo. Madami sa atin ang magsasangla ng lupa o bahay o di kaya mangungutang sa kamaganak  para sa placement fee.

Pero hindi ibig sabihin na nasa ibang bansa ka na ay puro pasarap na lang ang buhay. May mga kasong mababa ang sahod o iba ang trabaho sa pinirmahang kontrata sa Pinas. Nandyan din ang problema sa accomodation, problema sa mabangis na amo, OTy (thank you na OT) at mahabang oras ng trabaho na walang restday. Hindi maiiwasan ang mga kasong rape, nabuntis at pambubogbog at kung ano ano pa.

Dito sa Dubai, dahil sa nangyaring recession, may mga kababayan tayong delay ang sahod, baon sa utang sa credit card at personal loan at minsan pa ay nakakulong dahil sa talbog na tseke. Marami ang tinamaan ng crisis at napauwi na galing sa mga construction at engineering na mga kompanya.

Isa sa matinding kalaban ng isang OFW ay ang pangungulila sa asawa at pamilya. Dahil sa mahal ang overseas call, sulat at voice tape ang pinagpipiyestahan ng mga naiwang pamilya sa Pinas noon. Mabuti na nga ngayon at may YM web chat, skype, friendster, facebook at kung ano anong pang mga paraan na madaling makausap ang pamilya.

Last week naimbitahan ko si Fr. Serge (unang paring pinoy sa St. Michael Church) para mag bless sa bagong apartment na nilipatan namin sa Sharjah. Nabanggit nya sa akin na ang pangunahing problema daw ng mga Pinoy ngayon ay live-in. Kahit may asawa sa Pinas. Mapa babae man o lalake. Kahit binata o dalaga. Oo. Bawal na bawal yan dito sa UAE. Latigo, kulong, deportation at benteng sidekick ng camel ang parusa. (of course joke lang ito!) Yan ay kung mahuli o ma report sa Pulis. Pag hindi tuloy ang ligaya.

Naranasan mo rin bang madaling araw ay nakita mong may miscol ka galing sa Pinas? Syempre kakabahan ka dahil baka may namatay o naaksidente sa pamilya. Yon pala naman ay pinafollow up lang ang buwanan mong sustento dahil katapusan na at tambak na ang mga bayarin. Hindi mo rin naman masabi na minsan delay ang sahod mo. Kaya mapipilitan kang mag cash advance sa credit card.

Sa pagsapit ng mga mahahalang okasyon tulad ng pasko, binyagan, kasalan, piyesta, family reunion, wedding anniversary, fathers day, mothers day, valentines day wala ka. Hindi mo matitikman ang masasarap na pagkain tulad ng crispy balat ng lechon. Tapos magpapadala ng group picture. Lahat sila nakangiti. Ang saya saya nila. Parang hindi ka nila namimiss. At napansin mo ikaw lang ang kulang. Gustuhin mo mang umuwi kahit saglit hindi pwede dahil hindi pa tapos ang kontrata mo.

Hay! Buhay OFW nga naman. Feeling ko minsan hindi ako umaasenso dahil tamang tama lang ang sahod ko sa panggastos sa pamilya. Para ring hindi  nag abroad.

Sa ngayon kasama ko ang asawa ko at dalawa kong anak sa UAE. Aaminin ko minsan kinakabahan din ako dahil mahina ang pasok ng business sa kompanya namin. Baka dumating ang araw na pauwiin ko rin sila. Pero habang nandito pa sila at kasama ko mageenjoy muna kaming mag bonding buong pamilya.