Pababa ang trend ng peso kontra dolyar sa ngayon. Ayon sa balita sa TV patrol noong isang gabi malamang magiging P 42 = $ 1 ang palitan sa loob ng anim na buwan. Dagdag pa ng isang ekonomista, posibleng magiging P 40 = $ 1 pa daw ang palitan dahil sa lumalakas na ekonomiya ng Pilipinas.
Sa ganitong sitwasyon, malamang nakangiti si P-Noy. Bumabalik na kasi ang kompiyansa ng mga namumuhunan sa Pinas. Dahil siguro mas kampante silang si P-Noy ang presidente na parang walang kabalak balak mangurakot sa pwesto.
Pero sa isang OFW na katulad ko, ito ay isang masakit na balita at mas masakit sa bulsa. Dahil ibig sabihin mas lalaki ang kailangang ipadala para matustusan ang gastos sa Pinas.
Naalala ko pa noong mga 2004, ang palitan ng dollar noon ay halos umabot sa P 56 at ang dirhams naman ay mga P 15. Kaya naman sa kakarampot kong sahod noon ay nabayaran ko ang tatlong "over-used" credit cards kong naiwan sa Pinas. Pesteng credit card talaga. Masarap gumastos pero kalbaryong bayadan.
Dahil na rin sa inflation, tumaas na lahat ang mga bilihin hindi lamang dito sa Dubai pati na rin sa Pinas. Naalala ko pa na ang dinatnan kong isang pirasong grilled chicken na kasing laki ng kalapati sa Spinneys Supermarket ay 5 Dirhams. O-M-G! After 6 years ang dating manok na ga-kalapati ay hindi pa rin lumaki. Pero doble na ang presyo sa halagang 10 Dirhams.
"What-to-do", sabi nga ng mga Pana. Kaya kahit lumaki ang sahod halos ganon pa din ang purchasing power ng pera. Minsan kulang pa ngang pang grocery ang nakabudget na pera.
Ganon talaga. Hindi naman pwedeng ibato kay Obama ang sisi kung bakit ba kailangang may ganitong pagtaas at pagbaba ng dollar o peso.
Sa mga katulad kong OFW, kunting tiis lang makakaraos din tayo.
No comments:
Post a Comment