Monday, December 12, 2011

SMILE :)


Kahapon dumaan ako sa Deira City Center, hindi para mag liwaliw kundi mag hanap ng gumagawa ng "skin" para sa ipad at iphone ng isang kilala ko. Napansin ko kahit marami ang mga taong nawalan ng trabaho sa Dubai, marami pa rin ang mga nag sho-shopping. Para lang walang dumaang crisis ah.

Pero hindi sa financial crisis at sa Deira City Center ang blog ko.

Pagbalik ko sa parking, may napansin akong maliit na paper na nakadikita sa  kotse ko.


Ganito ang nakasulat:


Dear Sir or Madam, 


I would like to know where did you buy the seat cover of your car with smile face :). Please if you can call me  (number given). I parked beside you Jeep Cherokee black. I am Spanish lady.


Ganito ang reply ko sa likod na papel:

Hi Madam,


Sorry forgot where I bought long time ago. Maybe in City Center car accessories section.... I would love to give it to you. But its the only one I got. I hope it brought smile on your face. Oliver - (number given)

Sabay dikit din sa salamin ng jeep Cherokee. Hindi ko alam kung tama ang grammar ko pero palagay ko  naintindihan ni Spanish Lady ang ibig kong sabihin.

Pagkatapos ng mga 2 oras may nag txt sa akin.


"Thanks (me) for your gentle reply. Yes it brings to me a smile on my face. :) have a nice day!"

Sya nga pala. I would like to introduce to you............. si SMILE.

Have a nice day.




6 comments:

  1. ang cute naman. question, so binigay mo or hindi? naguluhan kasi ako sa word na But. Pero may kutob akong baka binigay mo :D

    ReplyDelete
  2. hindi......... hehehehe. mali ang kutob mo

    ReplyDelete
  3. UY text mate! Ayan oh, sinabi pa talaga na "I Am a Spanish Lady"

    Sana sinabi mo, "i'll make you smile if you know me too" :P

    ReplyDelete
  4. ang cute naman ng sulat, ano ba talaga? binigay mo or wala? wala ata! hehe

    ReplyDelete
  5. hindi ko sya binigay mommy razz....

    ReplyDelete
  6. @ Lakwatsero.. actually hindi ko type ang mga Spaniards.. kasi pinatay nila si Lapu Lapu. hehehe

    ReplyDelete