Showing posts with label shabu shabu dubai. Show all posts
Showing posts with label shabu shabu dubai. Show all posts

Saturday, January 8, 2011

Trentra I-Tres


Ang bilis ng panahon. Maliban sa katatapos lang ang 2010 at kapapasok lang ng 2011, nagdiwang din ako ng aking ika 33 na kaarawan noong December 29.

Parang hindi ko namamalayan unti unti na pala akong tumatanda at malapit ng lagnatin kung ibabase sa thermometer and edad ko. Kung paguusapan naman ang latest na statistika halos naabot ko na ang kalahati ng lifespan ko dito sa mundo. Ibig sabihin more or less may mga 35 years na lang ako tatagal dito sa Earth.

So far wala naman akong regrets. May mga pagkakataon na gumapang din ako sa kangkungan ga truck ang problema ko. Pero palagay ko naman normal lang ang mga problema. Dahil alam ko lalong titibay ang loob at pananalig ko sa Diyos pag may problema ako.

Ang asawa ko at dalawa kong anak ang nagbibigay sa akin ng lakas na kumita ng pera bilang OFW. Aanhin ko naman ang sweldo ko kung wala naman akong bubuhayin. Oo nga. Mayron din akong responsibilidad sa mga kamag anak kahit papano. Pero higit sa lahat ang pamilya ko ang mahalaga sa akin.

Mahirap mamuhay sa ibang bansa kasama ang pamilya. Sa kaso ko, halos sapat lang naman ang sweldo ko para matustusan ang BASIC NEEDS ng family ko. Pero mas mahirap na magkalayo. Marami dito sa UAE na nagkakasira ang pamilya dahil dyan.

Kung babalikan ko ang nakaraan, maaring isipin ko na sana iba ang naging desisyon ko sa mga mali ko sa buhay. Kung pwede sanang i reset para maging tuwid ang mali at punuan ang mga pagkukulang sa buhay. Pero hindi ganun eh. Puro forward. Walang backward. 

Anyway, kahit nga medyo late na itong tribute ko para sa sarili ko. (naks!) Masaya ako dahil kahit medyo recession pa rin ngayon sa UAE, kasama ko pa rin ang pamilya kong nag celebrate ng birthday ko.

Kumain kami sa Shabu-Shabu (sabi ng iba "sabu sabu" ewan ko kung ano ang tama) sa may Twin  Tower sa Deira. Ang saya, sa halagang 35 dirhams, halos panay ang dighay ko dahil sa dami ng vetsin na nilagay ko sa sabaw. It was fun! Para kaming mga bata na nag luto-lutuan! Saka solid naman ang open air view kasi sa may tapat ng Dubai creek.

Eto nga pala ang picture namin: 



Madami rin pala akong ka birthday. Sino ba ang kilala kay pareng Dyango Bustamante, si Charles Goodyear ang taong kadikit ng gulong ng sasakyan ang pangalan, si Jonathan Vincent Voight ang estranged father ni Angelina Jolie, at English actor na si Jude Law.

Yong iba hindi ko sinama dito kasi mga wala silang kwenta!