Monday, December 12, 2011

SMILE :)


Kahapon dumaan ako sa Deira City Center, hindi para mag liwaliw kundi mag hanap ng gumagawa ng "skin" para sa ipad at iphone ng isang kilala ko. Napansin ko kahit marami ang mga taong nawalan ng trabaho sa Dubai, marami pa rin ang mga nag sho-shopping. Para lang walang dumaang crisis ah.

Pero hindi sa financial crisis at sa Deira City Center ang blog ko.

Pagbalik ko sa parking, may napansin akong maliit na paper na nakadikita sa  kotse ko.


Ganito ang nakasulat:


Dear Sir or Madam, 


I would like to know where did you buy the seat cover of your car with smile face :). Please if you can call me  (number given). I parked beside you Jeep Cherokee black. I am Spanish lady.


Ganito ang reply ko sa likod na papel:

Hi Madam,


Sorry forgot where I bought long time ago. Maybe in City Center car accessories section.... I would love to give it to you. But its the only one I got. I hope it brought smile on your face. Oliver - (number given)

Sabay dikit din sa salamin ng jeep Cherokee. Hindi ko alam kung tama ang grammar ko pero palagay ko  naintindihan ni Spanish Lady ang ibig kong sabihin.

Pagkatapos ng mga 2 oras may nag txt sa akin.


"Thanks (me) for your gentle reply. Yes it brings to me a smile on my face. :) have a nice day!"

Sya nga pala. I would like to introduce to you............. si SMILE.

Have a nice day.




Monday, November 21, 2011

Sheikh Zayed Mosque - Abu Dhabi, UAE

no words, only photos
welcome to  Sheikh Zayed Mosque































Tuesday, November 1, 2011

Dear Nanay


Dear Nay,

Alam mo kanina Nay, nakakabored ang traffic pa Dubai. Nakakainis simula pa lang ng araw stressed na. Napatingin ako sa relos ko, Nov. 1. Oo nga pala piyesta ng mga patay ngayon.

Naalala kita Nay. Bigla akong napaluha habang hawak ko ang manibela ng sasakyan. Buti na lang at medyo tinted ang kotse at hindi obvious na nagpapahid ako ng tissue sa mukha ko. Namimiss pala kita. 

Sayang hindi mo man lang nakita kong gaano kakulit ang dalawang apo mo ngayon. Si Abby laging tanong ng tanong.

"What is this Daddy?" 

Minsan nga Yes or No na lang ang sinasagot ko kasi paulit ulit. Si Owen naman parang may kiti-kiti sa puwet. Hindi natigil sa isang lugar sa bahay. Takbo ng takbo at talon ng talon sa silya.

Ganon din ba ako kaulit Nay nong maliit ako? Nagagalit ka rin ba pag sobrang matigas na ulo ko?

Minsan nga naiinggit ako sa mga nakikita kong mag asawang nag sisimba na may anak kasi may kasamang babaeng my edad na. Malamang nanay sya ng isa man sa mag asawa. Palagay ko Nay, kung nandito ka ngayon ganon din ang magiging set up natin. Imbes na retired ka na, nag aalaga ka pa rin ng mga apo mo dito sa Sharjah... hehehehe...

Naalala ko Nay mag kasama tayong kumakain ng hapunan minsan. Ginataang kuhol ang ulam natin na pinulot ni Tatay sa palayan. Tinuruan mo pa nga ako kung pano sipsipin ang laman eh. 

Minsan naman nililibang mo kami ng mga kapatid ko sa umaga sa paglaro ng ibat ibang kulay na balloons. Kaya lang masyadong manipis ang goma at madaling pumutok pag bumagsak sa damuhan. Huli ko lang nalaman condom pala ang mga yon... malay ko ba. 

Yong mga palad mo nga Nay parang digital thermometer eh. Bago ako maligo nilalapat mo ang dalawa mong kamay sa dibdib at likod ko para alamin ang kung may sinat ako o wala. Saka lang ako maliligo sa poso sa likod bahay. Gusto ko nga matutunan kung pano mo tinatantya o baka lang talagang mothers instinct. Galing mo Nay!

Pag may sore eyes ako, breastmilk lang ang katapat na hiningi mo sa kapitbahay nating may baby. Ang lagnat walang problema kasi may Mirinda at paborita sa baraka

Kaya ng magkasakit ka Nay, binalak ko rin sanang ibili kita ng Mirinda at paborita. Kung hindi ka man sana gumaling kahit papano naibsan man lang ang sakit na nararamdaman mo noon. Sa murang isip ko noon, inisip ko na ang sakit ay parang lagnat lang. Kinabukasan mawawala na.

Ramdam ko nga sakit na nararamdaman mo Nay. Sabi mo malaki ang karayum na tinutusok sa tiyan mo para matanggal ang tubig sa matres. Pinilit mong lumaban pero sa huli tinalo ka ng sakit mo.

Hindi ko maunawaan kung bakit kailangan mong mawala. Basta mo na lang kaming iniwan. Nalilito ako noon. 

Pero ginamot ng panahon Nay. Unti unting nawala ang sakit. Pero ang ala ala mo nandyan pa rin. Hindi kita makakalimutan Nay.....

Sana pag nag kita tayo igawa mo ulit ako ng balloons. Ayaw ko ng yari sa condom. Dyahe naman... Gusto ko yong totoong balloons. Yong kulay green... 

Pero wag muna ngayon Nay maliliit pa ang mga apo mo. Itataguyod ko muna sila. Basta lagi mo akong ibulong mo ako kay papa Jesus at pagpalain ang mga ginagawa ko dito sa lupa.

I miss you Minda Samulde Ausan. I love you.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nanay passed away 24 years ago. 
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tuesday, October 25, 2011

Reminiscing my Grades


Kanina kinansel ko na ang visa ko sa Ajman dahil lilipat na ako ng opisina sa Dubai. 

Habang nag aayos ako ng mga dokomentong kailangan ko para sa visa, tiningnan ko ulit ang authenticated transcript of records ko sa koleheyo. Na realize ko bobo pala ako sa koleheyo. 

Mantakin mo naka dalawang 5.0 ako. (yong 5.0, sa Adamson University ay bagsak; ang 3.0 na marka ay katumbas ng 75-pasang awa at ang 1.0 pinakamataas na marka). 3 na subject ko ang incomplete o 4.0 at 22 subjects naman ay may markang 3.0

Sa dalawang bagsak ko, yong isa binawi ko sa summer at naging 3.0 at yong isa naman naging 2.9. Pero hindi basta-basta yong isang subject dahil 5.0 units yon na Integral Calculus. Ibig sabihin araw-araw kaming nagkikita ng professor ko sa isang linggo. Hindi ko nga alam kung may kinalaman ba ang mga  limits, functions, derivatives, integrals at yong mga infinite series sa buhay ko ngayon. Pero kasama sa pagaaralan ko sa kurso ko eh... what to do. 

Halos kalahati sa block namin ang bumagsak kaya imbis na umiyak ako eh napangiti na lang ako dahil hindi ako mag isang pumasok sa summer.

Yong isang binagsak ko ay Electrical Engineering theory 2 lecture. 5 units din!! Doon na nagsimula ang masalimuot kong buhay estudyante. Dahil walang slot nong sumunod na sem at pre requisite sya ng mga 3 major subjects nabawasan ang mga nakuhang kong units ng mga sumunod na sem. October tuloy ako naka graduate.

Yong Incomplete grades hindi ko na ininda dahil hindi naman sya bagsak. Sa tatlong incomplete ko yong isa naging 3.0. 

At yong syempre record breaking ang aking dalamput dalawang 3.0. Talaga lang atang tamad ako mag aral non. Kaya hndi na pinagisipan pa ng mga professor kung anong grade ang ibigay sa akin.

Pero sa kabila ng lahat, mayron din akong magandang grades sa university at pwede akong ipagmalaki ng mga kamag anak ko.

Sa CMT (Citizen Military Training) ito ang mga grades ko:

1.5               First year 1st sem
1.0               First year 2nd sem
1.5               Second year 1st Sem
2.8               Second year 2nd Sem.

Naks! Naka- uno si mokong.