Hindi ko binalak na mag subscribe sa pay-per-view ng TFC sa laban ni Magarito-Pacquiao. Dahil pang gatas at pang diaper na ng mga anak ko yon hehehe... Kaya kahit medyo delay na kunti balak ko na lang sana na makuntento sa blow blow running account ng http://www.inquirer.net/. At isa pa aabangan ko na lang sana sa facebook ang magwawagi sa laban.
Pero may tumawag na nagmalasakit na kaibigan. Mayron daw syang napapanood na laban sa pay-per-view channel. Kaya hindi naman ako nag aksaya ng mili-seconds! Dali dali kong nilipat at ayon nga ang lufeeeeet!!!
Nasa round 2 na ang bakbakan. Hindi ko na inusisa kung bat may lumabas sa pay-per-view o kung may balak ba akong singilin ng TFC pagkatapos kung manood.
Medyo kinabahan ako ng makita ko sa ring ang laki ni Margarito. Para ngang laban ni David at Goliath. Sigurado mas masakit ang paisa-isang suntok ni Margarito dahil sa laki nito. Ikaw ba naman ay tamaan ng sangkatutak na suntok na kahit hindi masakit, san pa at mamamaga rin ang mukha mo. Pero nanaig pa rin ang bilis ni Pacquiao laban sa mas malakas pero mabagal na si Margarito.
Mas gusto ko sanang manalo si Pacquiao via technical knock out. Para mas dramatic ang ending! Pero kuntento na rin ako dahil para na ring knockout ang nangyari dahil nagmatigas referee na ituloy ang laban kahit "butcha" na si Margarito 10 rounds pa lang.
Ilan din sa mga kabayan na OFW dito sa UAE ang nag half-day o nag pa late sa trabaho dahil sa laban ni Pacquiao. Kahit nga ang ibang lahi napabilib rin kay Pacquiao.
Pero ang nakakatuwa sa lahat ang aksyon na ito ay napanood ko na libre. Palagay ko technical error lang. Wag lang magkakamaling maningil ang TFC dahil innocent naman ako sa pangyayaring ito. If they try bibigyan ko sila ng super-whopping upper cut!