Monday, August 2, 2010

The Tale of Mang Oyong and E-passport in Dubai


Repost po galing sa isang yahoogroup sa Dubai:




Mga kaibigan, kung kayo po ay nagawi na o nag babalak na pumunta sa Consulate ng Pilipinas sa Al Ghusais, Dubai-- basahin nyo po muna itong nangyari saakin na sukdulan ang nakabastusan at kagaspangan ng pag uugali ng isang tao na nag-ngangalang "OYONG". "OYONG" akalain nyong ang bagyong Oyong pala eh nakarating sa Dubai?

Araw po ng Linggo, July 18, 2010 sa oras na 12:00 hapon- 2:00 pm, ako po ay nasa tanggapan sa Philippine Consulate - Al Ghusais para mag pa-renew po ng aking pasaporte. Mula sa aking pinagta-trabahuan, sa layo nun at sa init sa katanghalian, sinadya ko ang tanggapan. Bilang isang baguhan sa pag papa-renew, gusto ko malaman ang proceso sa pag renew ng pasaporte, dahil alam ko, mahirap ang pupunta sa embahada ng walang alam. Tinignan ko ang iyong website , may mga forms pa nga kayo dun na pwede i-download, pero hindi rin pala ito pwede at dun na rin sa tanggapan makakakuha ng libre. Sa website nyo, nandun din ang landline nyo, tinawagan ko rin naman ang information ng etisalat para malaman ko rin ano ang numero sa tanggapan—dahil hindi po biro na sasadyain ko ang AlGhusais ng wala akong mapapala sa huli. Sa sinamang palad, mula nung Sabado, hanggang sa mga oras na ito (3:39pm July 19, 2010- Monday) wala pa rin sumasagot sa landline —04-2544331, tama po ba? At kung sa may sasagot naman, ang answering machine na kung saan eh matapos na magsalita ay mawawala na rin ng bigla pagkaraan na i-dial ang local no. at tuluyan ng walang sasagot.

Ng dumating ako sa tanggapan nayan, natural lang na madadatnan mo ang maraming tao, nag tanong tanong ako at tinuro naman ako sa isang pinto mula sa gate kanan. Pag bukas ko ng pinto, nandun ang mga tao na tulad ko nag re-renew din, ang karamihan- nakapila. Nag tanong ako sa isang babae na nasa huling pila, at itinuro ako sa isang mesa sa tapat ng pinto. Isang lalaki na naka barong na kulay- old rose, at may bigote. Dun daw po ako lalapit at kukuha ng schedule para sa renewal. Paglapit ko sa table nya, meron pa syang kausap na isang babae na ibang lahi—naka abaya. Malinaw na hindi sya isang Pinoy dahil sa kanyang pananalita na Ingles. Ng mag tanong sya sa lalaking na naka barong na may bigote nga, ang tanong ng babae “Where to pay this?” PABALANG na sumagot ang lalaki na ito, (ito nalang ata ang paraan ng alam nya kung paano umistama ng mga gaya ko na dinadayo ang isang lugar na napakalayo sa syudad.) "You go Al Ghusais, you pay and come back here!" yan ang sagot nya sa babae na take note, IBANG LAHI. Matapos ang babae, ako na ang sumunod- sa mga oras na ito, wala ng pila. Tinanong ko sya ng MAAYOS. "Sir, kuya, san po ba ang renewal?' tinuro ako sa pila, "renewal section". Ng pumila ako, nag tanong ako dun sa isang babae, ano ang procedure ng pag renew.Nakita nya na wala pa pala akong schedule at form, tinuro nya ako dun sa lalaki (sya parin-- si Oyong parin!) nilapitan ko, nag tanong ako ano procedure. Hiningi nya ang aking passport, sabi nya na PABALANG na naman "Passport mo?!" so binigay ko, may kung anong inencode sya at inistapler sa passport ko. Tanong ulit ako, ano procedure ng renewal. Mantakin nyo bang sagot nya eh "Ayan passport mo! binigyan na kita ng schedule, di mo ba nakikita?!" Nakita ko nga yung inistapler pala nya, schedule ng pag balik ko sa Wed. July 21. Umupo akos a tabi nya at finil-apan ko yung form. may dumating na isang Indiano- kamalasan, yun parin ang pinagtanungan. Tanong ng Indiano "how can i get a visa going to Phils?" aba ang sagot ng "OYONG" kinuha ang papel na inaabot ng Indiano, at sinagot na PABALANG na naman "You did not write your wife name here!" ang gaspang ng ugali hindi ba? Pangalawang dayuhan ang nag tanong sa tao na ito, pero pareho pa rin ang gaspang na ipinakita nitong OYONG na ito. Binalikan ko sya matapos kong nafil-apan ang form at nag tanong, ano ang susunod na gagawin ko. Aba ang sagot ba naman sakin, "binigyan na kita ng shedule, bumalik ka nalang sa araw ng schedule?!" aba at nag pantig na ang tenga ko sa BASTOS na OYONG. Sinabihan ko sya kung gaano ka gaspang at kabastos ang ugali nya saakin at sa mga tao na nag tatanong sa kanya. Tinanong ko ang pangalan nya, lalong uminit ang nangyari dahil alam na nya na galit na ako at talagang irereklamo ko na sya. Mukat ba naman sabihin sakin na "Sige! magreklamo ka! dun sa opisina!" ang tapang diba? isang empleyado na nag tatrabaho sa ahensya ng Pilipinas kung sumagot sa mga Pinoy o sa mga ibang lahi ay kagaspangan ang ipinakikita nya.

Nag tungo ako dun sa loob ng consulate maraming tao-- pag pasok nyo, merong mesa sa gitna, wala naman naka-upo. Naghitany ako, nag tanong kung nasaan yung naka-upo sa mesa, may lumapit na babae, may ka-edaran na rin at mahaba ang buhok-- tanong nya ano kailangan ko, sinabi ko na may irereklamo ako na isang kasamahan nila at san po ba ako mag rereklamo. Ng dumating yung nakaupo sa mesa, parehong tanogn din, parehong sagot din-- paulit ulit ang usapan. Tinanong ko ano ang pangalan ng lalaki na nasa renewal o nag bibigay ng schedule ng renewal ng passport-- dito na ako nagulat sa mga sagot nilagn dalawa. HINDI DAW SILA ALLOWED NA SABIHIN ANG PANGALAN NG KASAMAHAN NILA. yan lang naman ang sagot nila. inamin din nung babae na nakausap ko, na sadyang ganun lang daw ang pag uugali ng lalaki na yun at mapagbiro daw. Pag bibiro ba ang tawag sa ganun? Nag bibiro na wala naman tumatawa? bagkus, lahat ng nakakaharap nya nakasimangot sa galit sa kanya?

Dahil wala akong makuhang sagot sa dalawang babae-- ang tungo ako sa likod ng mesa na yun at dun may opisina. sa loob pala, nandun pala ang kuhanan ng picture para sa passport- eto yung bandang kaliwa at sa kanan naman may opisina, na kung saan may babae na naka upo (kumakain) at isang babae na bantay ng 2 sanggol na nasa lapag ng mesa. Isang lalaki na naka barong na puti ang nasa tabi ko na lalapit din sa pupuntahan kong opisina. Nang magkaroon ako ng pag kakataon at tinanogn naman ako ng babae ano ang kailangan ko, sinabi ko na ang aking pakay na "may irereklamo lang po sana ako na empleyado nyo" ulit ulit na naman na usapan. Sa bandang huli, di rin nila naibigay sakin ang pangalan ng lalaki na tinutukoy ko. Sinamahan ako ng lalaking naka barong na puti patungo dun sa "OYONG".

nag mag ktia kami ulit, mamukat sabihin ng OYONG saakin "ano mag rereklamo ka? irereklamo mo ako? dun ka sa pulis mag reklamo" o diba? ang tapang ng sagot ng tao na ito? sa hinaba haba ng oras na nilagi ko doon sa CONSULATE na yun, dun lang ako namangha sa mga nag tatrabaho na nag tatakipan ng kapwa nila. Sabat ng naka barong na lalaki, mabuti pa dun nlang kayo sa loob mag usap. Sabat ng OYONG 'sgie samahan kita dun sa loob at dun ka magreklamo huh?!" Pag balik namin sa loob, sa haba ng usapan, naitanong ko kung paano ko irereklamo ang tao na yun, sagot ng nakabarong, i written complaint ko nga daw-- ABA, PANO KO KAKO- IREREKLAMO ANG TAONG AYAW MAG PAKILALA MAN LANG NG PANGALAN? At ni isa sa kanila doon ay ayaw sabihin ang pangalan? Sabat ng OYONG: "sige irereklamo mo ako, irereklamo din kita.. ano pangalan mo? " inawat sya ng lalaking nakaupo na kausap namin at nabanggit sa wakas ang OYONG na pangalan. Tinanong ko ng ilagn ulit ang pangalan-- di daw talaga sila allowed mag sabi ng pangalan. Tingin ko sa oras na yun, halos 2 oras na rin nasayang ang oras ko sa mga taong hindi ko malaman kung anong klaseng PROTOCOL meron sila. Hinarap ko ang taong nag ngangalang "OYONG" at sinabi ko sa mukha nya na "AKO HINDI MO KILALA? AT TINATANONG MO ANO PANGALAN KO? HINDI BAT BINIGAY KO ANG PASSPORT KO KANINA SAYO AT BINIGYAN MO AKO NG SCHEDULE? BAKIT HINDI MO BALIKAN ANG COMPUTER MO KUNG SAN MO INENCODE ANG PANGALAN KO AT MOBILE NUMBER KO AT DUN KA MAG REKLAMO? TATANUNGIN MO ANO PANGALAN KO KUNG AKO NA KANINA PA NAG TATANONG SA MGA TAO DITO KUNG ANO ANG PANGALAN MO AT MAIRELAMO KITA SA TAMANG PARAAN -NI ISA WALANG MAKAPAG SABI NG PANGALAN MO! BASTOS! "

NI ISA SA KANILA WALANG NAKAPAG SABI SAKIN KUNG ANO ANG PANGALAN NG TAO NA ITO. Kung makikita nyo ang group picture na naka post dito, hindi naman sila libo kung bilangin mo at para hindi sila magkakakilanlan diba? sa mga kaibigan kong nag karoon ng parehong pangyayari ng pambabastos nitong OYONG na ito, at sa mga pupunta sa consulate. Sana maging daan ito para malaman ng mga taga CONSULATE NG PILIPINAS dito po sa Dubai na HINDI PO TAMA NA MAG PAKITA NG KAGASPANGAN NG PAG UUGALI ANG MGA OFW NA NAG TUTUNGO DYAN SA OPISINA NA YAN DAHIL KAYO PO AY MGA EMPLYEADO NA NAG BIBIGAY NG SERBISYO SA PUBLICO-- KUNG SAKALING HINDI NYO KAYANG MAG BIGAY NG KAGANDAHANG ASAL SA MGA SINASABI NINYONG MGA BAYANI NG BAYANG PILIPINAS (OFW) EH MAY CHOICE KAYO NA MAG RESIGN. AT HWUAG MAMBASTOS NG MGA PILIPINO AT MGA IBANG LAHI NA GUSTONG PUMUNTA SA BAYAN NATIN.

Rowena Santos

Sharjah, UAE

=================================================================

Baka naman itong si Mang Oyong ng Philippine Consulate dito sa Dubai ay may dinadalang mabigat na problema kaya lagi syang masungit. Pero bilang isang public opisyal ng isang konsolado, dapat lang na maging mahinahon sa pagsisilbi sa mga OFW. Sa totoo lang bawat lakad sa konsolado o embassy ay dapat mo pang lumiban sa trabaho at bawat oras na ititigil mo sa pag aayos ng mga papeles ay mahalaga.

But what really is the correct procedure in getting the E-passport?
Memo for issuance of E-Passport in Dubai

For those of you who will renew their passports in the very near future, the process has now been changed again, please read below so that you will not get disappointed when you renew yours, unfortunately, it has become a long process...

Being working people, we would then need to apply for 3 days leave of absence from our work in able for us to renew our passports!!!

Before, it would only take a day to process everything then come back on a specified date, 3 weeks or a month later to get your new passport.

Now, you will need 3 days!!!

DAY ONE:            go to the Consulate and fall in line just to get a queue/turn number which will specify the date you will need to come back!!!

DAY TWO:          after getting the scheduled date, this is where the actual processing takes place...

It seems the so called new "e-Passport" is the one that supposedly have a microchip embedded behind the back cover of the passport, the "old" passport was indeed (MRP) Machine Readable Passport, but does not carry the microchip!

DAY THREE:        go back to the Consulate to get the documents of the processing and also your old passport (for safe-keeping until the new one comes) and the date you are suppose to come back to collect your new "e-Passport"

3 comments:

  1. parang ansarap sipain nung oyong... it gets to my nerve...

    ReplyDelete
  2. parekoy, ang tagal mong nawala!

    'yan ang nakakabwisit sating mga pinoy. makatuntong lang sa kalabaw, kalabaw na rin ang turing sa sarili. minsan nga eh mas mataas pa ang tingin! grabe, kung sino pang kababayan natin ang inaasahan nating tutulong, yun pa ang mayabang!

    ReplyDelete
  3. @nobenta...parekoy naging busy lang kaya nawala ako pansamantala. pero wag kang mag alala isa na ako sa mga bomoto sa yo sa PEBA. good luck parekoy!

    ReplyDelete