Ano ang mas mahalaga kuryente o tubig?
Kung sa atin sa Pinas ay nagkakaroon ng crisis sa tubig dito naman sa amin sa Sharjah, UAE ay nagkakaproblema naman sa kuryente.
photo courtesy of gulf news |
Mga dalawang buwan na rin siguro ang nakakaraan ng nagkaroon ng malawakang rotating brownout dito. Pero hindi ito ang una dahil mga ganitong buwan din ng nakaraan na taon ay nakaranas din ng brownout.
Sa tindi ng temperature na mga 45 celcius, halos hindi na ako makahinga dahil walang umiikot na hangin sa flat. Ang mas nakakaawa ay ang dalawang maliit kong mga tsikiting na pawis na pawis sa tindi ng init. Hindi lamang problema ang kawalan ng kuryente kundi problema rin na baka mawalan ng tubig dahil hindi gagana ang motor ng tubig. At dahil kalilipat lang namin sa bagong flat ay hindi pa kami kinakabitan ng koneksyon para sa gas sa pagluluto kaya electric stove ang gamit namin.
photo courtesy of gulf news |
Walang maibigay na paliwanag ang SEWA o Sharjah Electric and Sewage Authority (parang pinagsamang Meralco at MWSS sa Pinas) tungkol sa halos mga isang linggong ring problema. Kahit kabi-kabila ang sandamukal na reklamo ng maraming tao pinagkibit balikat lang ito ng SEWA.
Sa palagay ko, sa laki ng demand ng kuryente dahil sa kainitan noon ay di kayang suplayan ang mga ito. Ang resulta, maraming negosyo ang nalugi lalo na yong mga groceries.
Ayon din sa bali balita, malaki daw ang pagkakautang nitong SEWA.
Sa gabi maraming tao ang tumatambay sa labas o sa may park. Ang iba naman ay minabuting magsiksikan sa City Center Sharjah na may nakaabang na generator. Dahil may mga area na 8 oras ang walang kuryente.
photo courtesy of gulf news |
photo courtesy of gulf news |
Isang kaibigan ang nakasabayan naming magtambay sa City Center Sharjah isang hapon. Sabi anya bumaba pa daw sya galing sa 14th floor dahil hindi gumana ang elevator dahil sa brownout. Buti nalang at nasa 1st floor lang kami nakatira kaya hindi mahirap bumaba.
Ang style naman namin para makaiwas sa init ay magtawag ng mga kaibigan na may kuryente at makiusap na tumambay ng ilang oras.
Sa ngayon balik normal na ulit ang kuryente. Palagay ko nahanapan na rin ng solusyon ng SEWA ang problema. shukran!
grabe ang brownout dyan. mainit na tapos brownout pa. kawawa ang mga nasa condo na nasa mataas na palapag
ReplyDeletesiyet ang init niyan!!!!!!!!!!!!!sana di na ulit mawalan kawawa naman kayo jan
ReplyDelete