Pahabol na post ito bago mag tapos ang buwan ng Marso. Medyo nag tipid ako ng post for this month kasi sa dami ng mga kaekekan sa buhay.
Just for curiosity sake, nag try akong uminom camels milk na nabili ko sa Spinneys Supermarket. Bihira lang talaga ako makatyempo ng camels fresh milk dahil madalas sa Carrefour kami namimili. Bukod sa mura ang mga bilihin halos doon din mabibili ang mga kailangan sa bahay.
Sanay akong uminom ng fresh milk. Pero cows milk at hindi camels milk. Iba ang lasa ng camels milk. Parang may after taste. Yon bang malalasahan mo parin sya after mga few minutes na parang may kunting panis. Available din sya in strawberry flavor.
Camel Milk |
But my encounter with camels doesn't end there.
I read in an online forum that somewhere in Bur Dubai in Dubai there is a local restaurant that is serving camel burger. Ako naman for the sake of this blog, I decided to search for the restaurant. Nagkataon naman na nagyaya yong aking "commander in chief" na bumisita sa Dubai Museum.
Hindi naman ako nahirapan hanapin ang Local House, ang restaurant ng nag seserve ng camel burger. Dahil along the way lang naman pala ito papunta sa Dubai Museum. Kaya pagkatapos mamasyal sa Dubai Museum binalikan namin ang Local House.
Local House Restaurant Entrance |
Pag pasok sa restaurant pinili naming maupo sa open air sitting. Pero mayron din namang arabic sitting at normal sitting sa airconditioned room. Napansin ko madaming crew na kabayan.
For our afternoon merienda we chose Smoke Camel Barbecue Onion Burger and Camel Teriyaki Pineapple Burger. Obviously mahal ang presyo ng camel burger. Ang isang burger ay nagkakahalaga ng 45 to 65 dirhams o mga 550 to 750 pesos ang isa. May french fries na yon na kasama.
Isang bottled water na lang ang inorder ko para sa aming apat.
Actually wala akong idea kung ano ang lasa. Pero ng maiserve ang inorder namin at simulan ko ng lamunin ang burger sa harap ko, hindi ko man lang nalasahan na camel burger na pala ang kinakain ko. Para lang syang Bic Mac ng Mc Donalds.
Maya maya may lumapit sa amin. Isang kabayan. Sya daw si Albert. Si Albert ang nag develop ng Camel burger at lahat na recipe sa restaurant. Sa isang farm sa Al Ain pa nila kinukuha ang camel meat at nilalagyan na lang ng mga secret spices ang karne. Matagal na rin sya sa food and beverage industry sa Dubai at sa Pilipinas kaya malawak na ang kanyang kaalaman sa pag buo ng mga recipe. Balak pa nilang mag open ng branch sa Abu Dhabi.
Pag balik daw nya sa Pinas balak ni Albert balak na idevelop naman ang carabao burger. Alam ko may carabao cheese na Pinas. Pag nag bakasyon kasi ang isa kong lola dati sa Samar ay kesong kalabaw ang gusto kong pasalubong. Masarap iulam sa kaning bahaw. Pero ang carabao burger parang wala pa.
Sabi ni Albert next time daw na mag punta kami in groups pwede daw syang magbigay ng 25% discount.
At hindi lang yan mga peeps. Nag offer pa sya kung gusto namin ng camel ice cream. Ang tanong ko kaagad ay kung magkano. Pero hindi daw. Walang bayad. Free test lang. Kaya naman tuwang tuwa ang anak ko dahil nakatikim sya ng Camel cookies and cream ice cream.
Bago kami umalis may free take out pa kami na camel cookies and dates.
Camel Teriyaki Pineapple Burger |
smoke Barbecue Onion Camel Burger |
"A natural source of Alpha-Hydroxy acids- known to plump the skin and smooth fine lines with its Anti- Aging and Antioxidant Properties. Contains Vitamins A, B2, C & D. Camel milk also assists in reducing signs of aging such as over pigmentation and age spots. Rich in Organic Essential Oils and Minerals-Provides a Luxurious and Healthy Cleansing Experience for all the Family Hypo-Allergenic- Loves Your Skin -No Chemicals or Artificial Additives."
To go the website, please click here.