Friday, August 19, 2011

Minsan Lang Kita Iibigin - Final Episode


Last episode na ngayong gabi ng Minsa Lang Kita Iibigin sa TFC. Ang papalit ata ay yong bagong palabas na tampok naman si Kim Chiu at tatlong magagandang lalaki na sila Jolo Revilla, Xian Lim at Matteo Guidicelli.

Kagabi lang naaliw ako sa isang eksena ni Lora (Amy Austria) at ni Tomas (Tonton Gutierrez) kaya madalian lang itong blog at may maikwento lang.

Nag pang abot si Lora (Amy Austria) at si Ka Diego (Ronnie Lazaro). Sinumbatan ni Ka Diego si Lora dahil sa pagtalikod nito sa samahan. At nong aakamang barilin ni Ka Diego si Lora biglang lumabas sa damuhan ang nagtatagong si Tomas, binuhat si Lora papalayo habang nag paputok si Ka Diego.

Pinabilib ako ni Tomas at di man lang ininda ang ilang balang pinakawalan ni Ka Diego. Nang makalayo, nagkaroon sila ng oras ni Lora para magkausap at paiyak na humingi ng tawad si Tomas. Deny to death naman itong si Lora at dahil siguro sa tindi rin ng sama ng loob tinalikuran si Tomas. 

Bigla na lang natumba si Tomas at doon nakita ko na marami pala itong tama sa likod gawa ng pagkabaril ni Ka Diego. Bumalik si Lora para pilit ibangon si Tomas. Nagkaroon sila ng closure at nagkapatawaran. Naabutan sila ni Ka Diego sa tagpong yon. Akalain mo kahit kinakapos na ng hininga, biglang bumangon pa itong si Tomas at nag pangagaw pa sila ng baril ni Ka Diego sabay sigaw kay Lora na "Takbo". At dahil siguro wala na ring lakas itong si Tomas natumba sya ulit at sa pagkakataon yon binaril sya ni Ka Diego sa harap. 

Dumating ang mga sundalo at sumibat papalayo si Ka Diego.
Doon na binawian ng buhay si Tomas. Ang haba ng buhay ni Tomas! 

Kung sabagay teleserye lang naman ito. Nakakaaliw lang.....


No comments:

Post a Comment