Showing posts with label adamson university. Show all posts
Showing posts with label adamson university. Show all posts

Tuesday, October 25, 2011

Reminiscing my Grades


Kanina kinansel ko na ang visa ko sa Ajman dahil lilipat na ako ng opisina sa Dubai. 

Habang nag aayos ako ng mga dokomentong kailangan ko para sa visa, tiningnan ko ulit ang authenticated transcript of records ko sa koleheyo. Na realize ko bobo pala ako sa koleheyo. 

Mantakin mo naka dalawang 5.0 ako. (yong 5.0, sa Adamson University ay bagsak; ang 3.0 na marka ay katumbas ng 75-pasang awa at ang 1.0 pinakamataas na marka). 3 na subject ko ang incomplete o 4.0 at 22 subjects naman ay may markang 3.0

Sa dalawang bagsak ko, yong isa binawi ko sa summer at naging 3.0 at yong isa naman naging 2.9. Pero hindi basta-basta yong isang subject dahil 5.0 units yon na Integral Calculus. Ibig sabihin araw-araw kaming nagkikita ng professor ko sa isang linggo. Hindi ko nga alam kung may kinalaman ba ang mga  limits, functions, derivatives, integrals at yong mga infinite series sa buhay ko ngayon. Pero kasama sa pagaaralan ko sa kurso ko eh... what to do. 

Halos kalahati sa block namin ang bumagsak kaya imbis na umiyak ako eh napangiti na lang ako dahil hindi ako mag isang pumasok sa summer.

Yong isang binagsak ko ay Electrical Engineering theory 2 lecture. 5 units din!! Doon na nagsimula ang masalimuot kong buhay estudyante. Dahil walang slot nong sumunod na sem at pre requisite sya ng mga 3 major subjects nabawasan ang mga nakuhang kong units ng mga sumunod na sem. October tuloy ako naka graduate.

Yong Incomplete grades hindi ko na ininda dahil hindi naman sya bagsak. Sa tatlong incomplete ko yong isa naging 3.0. 

At yong syempre record breaking ang aking dalamput dalawang 3.0. Talaga lang atang tamad ako mag aral non. Kaya hndi na pinagisipan pa ng mga professor kung anong grade ang ibigay sa akin.

Pero sa kabila ng lahat, mayron din akong magandang grades sa university at pwede akong ipagmalaki ng mga kamag anak ko.

Sa CMT (Citizen Military Training) ito ang mga grades ko:

1.5               First year 1st sem
1.0               First year 2nd sem
1.5               Second year 1st Sem
2.8               Second year 2nd Sem.

Naks! Naka- uno si mokong. 

 

Tuesday, October 5, 2010

The Falcons is Soaring...sa wakas


Isa sa pinakamalakas na basketball team sa kakatapos na UAAP Season 73 ay Adamson Soaring Falcons.

Ako ay Adamsonian. Pero ni minsan hindi ako naging interesadong manood ng larong basketball ng Falcons dahil alam ko kadalasan lagi namang talunan at tambak ang score. Minsan naiisip ko na pampataas lang ng standing ng ibang teams pag Falcons ang kalaban. Kahit pa noong unang tapak ko sa Adamson, mas naging fan pa ako ng ibang mga malalakas na team tulad ng UST Growling Tigers, Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers.

Dahil nga sa predictable na ang kalalabasan ng laro, madalang ang mga nanonood ng laro ng Falcons.

Ang style kasi nitong mga PE teachers nong freshman ako ay i require ang mga estudyante na manood ng boring na laro ng Falcons. Para syempre may pumalakpak sa iilang score na mai shoot. Kung baga sa eleksyon ang mga freshmen ang mga "flying voters".  

Noong 1994, hindi nakalaro ang Falcons sa UAAP dahil kay Marlou Aquino. Pano ba naman kasi, alam naman ng university ng kulang sa required na units itong si Marlou ay pinaglaro pa rin sa UAAP. Pero kahit pa nag sabay sina Kenneth Duremdes, EJ Feihl at Marlou Aquino, dalawang beses pa rin silang pinataob sa championship ng UST Growling Tigers noong 1993 at FEU Tamaraws noong 1992.

Nag-iisa lang ang korona ng Falcons sa basketball sa pangunguna ni Hector Calma noon pang 1977. 

Pero sa nakaraang Season 73, nagulat ako sa pinakitang galing ng Adalson Falcons  Mula sa 5th standing from last year, umangat sa pang tatlong pwesto ngayong taon.

Kaya hindi ko pinalagpas ang mga laro ng Falcons sa TFC dahil kahit ang mga magagaling na team tulad ng FEU Tamaraw ay natalo na rin nila. Ngayon lang ako napabilib sa team ng Adamson Soaring Falcons dahil halos malalakas ang mga players nila kahit pa sabihin na nating 28 na magkasunod na tinalo ng Ateneo Blue Eagles ang Falcons since 1997 pa at 17 beses ding tinalo ng FEU Tamaraws since 2002.

Si Alex Nuyles ang paborito kung player sa Falcons. Naalala ko si Bong Alvarez pag naglalaro itong si Nuyles. Panoorin nyo na lang ang sample dunk ni Nuyles:



Ilan sa mga sikat na players ng Falcons ay sila:


  • Kenneth Duremdes (1998 PBA MVP,played at former sunkist now Coca Cola Tigers, 1996 Alaska Milk Grandslam)



  • Ken Bono (2007 UAAP MVP, first round Pick by Alaska, traded to San Miguel and now playing for Coca Cola Tigers)



  • Edward Joseph Feihl former Purefoods TJ Hotdog



  • Hector Calma former San Miguel Beer Player, 1989 Grandslam with San Miguel Beer Man



  • Eddie Laure former MVP on MBA disband, former shell turbo charger, alaska Milk and now playing for Rain or Shine



  • Louie Alas (Letran Knights head coach)



  • Mel Alas coach for 68th season of UAAP



  • Richard "Chad" Alonzo former Purefoods Tj Hotdogs and now plying for Red Bull Barako



  • Leo Canuday



  • Patrick Cabahug



  • Roel Hugnatan



  • Melvin Mamaclay former Sta. Lucia Realtors



  • Mark Abadia



  • Ramil Tagupa



  • Elmer Layug



  • Dennis Madrid



  • Gherome Ejercito former Air 21 Express



  • Jonathan De Guzman



  • Glen Peter Yap



  • Erwin Luna


  •  source: http://en.wikipedia.org/wiki/Adamson_Falcons


    Unti-unting bumabalik ang kompiyansa ko sa Falcons. Sa susunod na taon sa UAAP Season 74 aabangan ko ang bawat laban ng Adamson Soaring Falcons.