Monday, October 25, 2010

Abandoned Cars in Dubai Airport

Noong magsimulang bumulusok pababa ang ekonomiya ng Dubai bandang first quarter ng 2009, maraming mga bali-balita na napuno daw ang parking lot ng Dubai Airport dahil sa mga inabandonang mga sasakayan. Inabandona ng may ari sa posibleng maraming dahilan. Isa na marahil ay natanggal sa trabaho. May napabalita pa nga daw na halos umabot sa 3,000 ang mga abandoned car sa Dubai Airport.

Mga 90% ng population sa UAE ay mga foreign workers na umaasa sa magandang ekonomiya. Sa hindi inaasahan mas malala ang epekto ng pagbagsak ng ekonomiya lalo na sa Dubai.

Akala ko tapos na ang ganitong insidente sa Dubai. Dahil patapos na ang 2010. Pero mali ako. Isa lamang marahil na indekasyon na marami na talagang lumayas sa Dubai. 

Tulad natyempuhan komg bagong model ng Toyota RAV 4 sa parking lot ng Dubai Airport, puno ng alikabok at flat ang gulong. Posibleng pinoy ang may ari kasi may sticker ng Pinas sa likod at naka register sa Abu Dhabi. Sa palagay ko nawalan ng trabaho ang may ari nitong RAV 4 at may balanse pa sa banko ang sasakyan. Kaya iniwan na lang. 

abandoned car in Dubai Airport

abandoned car in Dubai Airport

Ito namang isa na halos katapat lang sa parking ng naunang sasakyan halos ganon din ang kondisyon. Napagkatuwaan ding sulatan ng mga mokong sa parking ang windshield ng sasakyan. Tulad ng "FOR SALE 100 AED", "Clean Me", "Afghan".


abandoned car in Dubai Airport

abandoned car in Dubai Airport
 Eh kaysa nga naman makulong dahil hindi na mabayaran ang monthly payments ng kotse. Mas mabuti na ring mag eskapo na. Sayang lang at hindi naman pwedeng maiuwi.

Ngayon ko lang na realize sa gitna ng kagipitan, ang kotse pwedeng disposable.


1 comment:

  1. It can be possible to restructure the cars back in its place. We clean them & reinflate the tires.

    ReplyDelete