Kanina kinansel ko na ang visa ko sa Ajman dahil lilipat na ako ng opisina sa Dubai.
Habang nag aayos ako ng mga dokomentong kailangan ko para sa visa, tiningnan ko ulit ang authenticated transcript of records ko sa koleheyo. Na realize ko bobo pala ako sa koleheyo.
Mantakin mo naka dalawang 5.0 ako. (yong 5.0, sa Adamson University ay bagsak; ang 3.0 na marka ay katumbas ng 75-pasang awa at ang 1.0 pinakamataas na marka). 3 na subject ko ang incomplete o 4.0 at 22 subjects naman ay may markang 3.0
Sa dalawang bagsak ko, yong isa binawi ko sa summer at naging 3.0 at yong isa naman naging 2.9. Pero hindi basta-basta yong isang subject dahil 5.0 units yon na Integral Calculus. Ibig sabihin araw-araw kaming nagkikita ng professor ko sa isang linggo. Hindi ko nga alam kung may kinalaman ba ang mga limits, functions, derivatives, integrals at yong mga infinite series sa buhay ko ngayon. Pero kasama sa pagaaralan ko sa kurso ko eh... what to do.
Halos kalahati sa block namin ang bumagsak kaya imbis na umiyak ako eh napangiti na lang ako dahil hindi ako mag isang pumasok sa summer.
Yong isang binagsak ko ay Electrical Engineering theory 2 lecture. 5 units din!! Doon na nagsimula ang masalimuot kong buhay estudyante. Dahil walang slot nong sumunod na sem at pre requisite sya ng mga 3 major subjects nabawasan ang mga nakuhang kong units ng mga sumunod na sem. October tuloy ako naka graduate.
Yong Incomplete grades hindi ko na ininda dahil hindi naman sya bagsak. Sa tatlong incomplete ko yong isa naging 3.0.
At yong syempre record breaking ang aking dalamput dalawang 3.0. Talaga lang atang tamad ako mag aral non. Kaya hndi na pinagisipan pa ng mga professor kung anong grade ang ibigay sa akin.
Pero sa kabila ng lahat, mayron din akong magandang grades sa university at pwede akong ipagmalaki ng mga kamag anak ko.
Sa CMT (Citizen Military Training) ito ang mga grades ko:
Sa CMT (Citizen Military Training) ito ang mga grades ko:
1.5 First year 1st sem
1.0 First year 2nd sem
1.5 Second year 1st Sem
2.8 Second year 2nd Sem.
Naks! Naka- uno si mokong.