christmas tree in St. Michael's Church in Sharjah, UAE |
Sa may St. Michaels Church sa Sharjah may isang malaking christmas tree malapit sa entrance ng simbahan. For 10 dirhams, bibili ka ng maliit na star na may iba't ibang kulay tapos pwede kang mag sulat ng wish at isabit sa christmas tree. Ang makokolekta ay mapupunta sa pundo ng simbahan.
Hindi naman ako yong tipong tsismoso pero gusto kong malaman kung ano yong mga wish o nasasaloob ng mga taong nag sabit ng wishing star sa christmas tree.
Medyo palihim kong kinuhanan ng litrato ang mga stars. At heto ang mga nabasa ko:
Marami pa rin ang pumupunta at umaasa ng magandang buhay sa UAE kahit crisis ngayon dito.
Palagay ko isang businessman ng nagsulat nito. Mahirap ang naging takbo ng ekonomiya dito for 2010. Pero puno pa rin ng pag asa for 2011.
Sa totoo lang hindi sya selfish. Nag wish sya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa iba. Pero matindi ang wish ng isang ito. Kahit daw masakit kailangan daw ngumiti pa rin. Wapak!
Isa rin ako sa mga nag wish noon na magkaroon ng baby. Pero ngayon 2 na anak hindi muna ako mag wiwish.
Noong bata ako at syempre cute... regalo, damit, laruan at pagkain lang ang kailangan ko para mabuhay.
At ito pa ang pahabol. Isa pang baby.
Ikaw ano ang wish mo ngayong pasko?