Friday, December 10, 2010

unPAID Review: My Old Blue TRIBU Sandal




I was so hurt back then like sooo shit dahil nakipag break ang first GF kong nag-lalaw sa Adamson University.  Sabi ng mga ka berks ko na LAW-KO daw ako.

At dahil sa tinding heartache balak ko na sanang mag pa-transplant ng aking duguan at nawasak na puso. Kaya naghanap ako ng outlet for my feelings. Hindi naman ako pwedeng nakasimangot mag hapon o lumipad sa outer space or else baka mawala ako sa aking consciousness. Kaya naisipan kong mamundok. Hindi para umanib sa grupo ni ka Roger kundi para malibang ang aking sarili. In other words, I reinvented myself to become a mountaineer.

Pero hindi ito recollection ng love life ko mga peeps! Ito ay review ng TRIBU sandal at tribute sa isa sa karamay ko sa pag dadalamhati (noon) ng aking nabigong pag-ibig!

Intro ko lang yon. naks!

Isa sa mga basic na gamit sa mountaineering ay ang matibay na tsinelas. Dahil aside from mountaineering shoes, yon lang ang contact mo sa lupa.

Marami rami narin akong inakat na bundok na gamit ang aking nag iisa at matibay na TRIBU sandal. Mapalubog sa putik, mabasa sa ilog at mapasabit sa mga baging at kung ano ano pang mga pahirap sa tsinelas ko ay buo pa rin. Yari ata sa high end rubber pero super lambot at komporable sa paa. Ni hindi ako nagka paltos.

Nong mag Dubai ako naiwan ko ang tsinelas ko sa Pinas. At ng makabalik ako for my vacation nag decide ako na gamitin ko na rin sa Dubai. Hindi ako nahiya na gamitin kahit mag mall ako pag nag grocery. Kahit sa medyo magandang mall sa Dubai mall hindi ako nahiyang isuot.

Sabi nga ni misis baka daw ako mapalayas dahil mukha daw akong beggar sa suot kong tsinelas.

Well yon lang ang masabi ko. Mahaba pa ata ang intro ko. Total hindi naman ito bayad.... hehehe


No comments:

Post a Comment