Thursday, December 9, 2010

HTC Magic or Chinese H802 Product Review


Hi mga peeps!

Tinupak lang ako minsan na mapagtripan kong bumili ng Chinese-made phone sa Dragon Mart sa Dubai. Kung mapadpad ka sa Dragon Mart sa Dubai, particularly sa mga electronics section feeling mo ang yaman-yaman mo kasi ang mumura ng mga cellphones at mga computers. Kayang kaya mong bumili ng mga high end na gadget kahit nagtitipid.

For example, ang latest na iPhone ay 500 aed lang!

Well not exactly mga peeps. Dahil halos ang mga ito ay duplicates! Yes! Sa unang tingin halos wala kang makita na pag kakaiba sa physical appearance. Pero on a closer look walang duda fake talaga.

At ito ang napili kong cellphone na "hi-tech" (kuno) na H802 na clone ng HTC Magic. Sa halagang aed 275, Ay halos wala ka ng hahanapin pa. Bukod sa motion games, ito a dual SIM, touch screen, may email, built in facebook, bluetooth, WIFI (na sobrang malas ay hindi nag ko-connect) camera, video camera, e book, slide, recorder, radio at bukod sa lahat ay may TV!


Original HTC Magic
Original HTC Magic
Original HTC Magic

Yes mga peeps! May TV ang cellphone ko! Lahat na ata ng mga features sa ibang telephone ay pinagsama sama na dito sa telephone ko. Bukod sa dami ng features ng phone ay may extra free battery pang kasama. Kaya naman super excited akong i-bida sa mga friends ko ang mala-007 ko na gadget.

Fake HTC Phone

Fake HTC Phone

Fake HTC Phone

Medyo tuloy-tuloy na sana mababaw kong kaligayahan pero may napansin akong "weird" sa telepono ko. Bukod sa hindi nag-kokonect ang WIFI, minsan depekto rin ang touch screen. At yong kausap ko minsan feeling ko nasa kabilang dimension dahil feeling ko ang layo layo nya dahil hindi clear ang mga sinasabi.

Well what to do ( sabi nga ng mga Pana dito sa dubai). Alangan namang itapon ko ang ala-HTC ko basta na lang ang telepono.

Actually I am beginning to loveeeee ittt! Dahil wala naman akong pakialam kung mahulog o mawala ang telepono ko dahil its so cheapppp! I don't care...!    


No comments:

Post a Comment