Halos lahat naman ata ng flat dito sa UAE ay marble tiles ang sahig. Natural lang mas maganda kung walis tambo ang gagamitin sa pagwawalis dahil nasisimot pati alikabok at hindi kumakapit ang buhok sa walis. Magastos din kasi kung gagamit ng vacuum araw-araw. Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng panahon para simulan ang aking
"Big Hunt for the Elusive Walis Tambo" sa Sharjah. Una kung pinuntahan ang Giant Supermarket sa Ajman dahil may nakapagsabi na mayron daw don. Wala. Akala ko pa naman maka-pinoy ang giant Supermarket sa Ajman kasi nagtitindi sila ng baboy. Sunod na pinuntahan ko ang Jesco Supermarket malapit Etisalat sa Sharjah. Wala rin. Anak ng pating! Mukha atang hindi talaga sila nag iimport ng walis tambo dito ah!
Nagbasakali na ako sa isa pang Giant Supermarket malapit sa Gold Center sa Sharjah. At don ko nga nakita ang walis na ito!
|
Front View ng Walis |
Una kong napansin hindi sya flat gaya ng nakagawian natin. At mahahalintulad ko sya sa walis ng mga witch na nakikita ko sa Harry Potter. Hindi na ako nag dalawang isip na bilhin ang walis. Total 7 dirhams lang naman at galing sa India. At pwede ko pa atang remedyohan na pokpokin ng martelyo para maging flat. Kaya pag dating sa bahay kinuha ko agad ang mala-witch na walis ang sinimulan kung mag walis sa sala. Nabigla ako na napakadami kung nawalis na alikabok! Yon naman pala nong tiningnan kong mabuti ay may kung anong mga parang butil o fiber na nalalaglag galing sa walis. Anak ng pating ulet! Hindi pala ito ang hinahanap kong walis tambo. Na-Pana ata ako ah!
Sa ngayon naka pwesto lang sya sa likod ng pinto ng kusina. Pero pinagtitiyagaan ko pa rin ang mahiwagang walis. Alam ko matagal pa kaming magsasama at magkikita pa rin kami tuwing umaga.
|
pagmasdan mabuti ang larawan. |
|
|
|
No comments:
Post a Comment