Sa totoo lang hindi naman talaga ako mahilig mag disco. Peron ng minsang ako ay mayaya sa Chikka Grill sa Dubai hindi naman ako nag dalawang isip dahil sa bukod 3 taon na ng huling ako mag mag bag bar sa Delmon sa Deira, gusto ko rin naming mag unwind kahit kunti.
Stage ng Chikka Grill |
Nakisakay na lamang kami sa kotse ng kaibigan dahil naisip ko na weekend baka walang parking. Habang papunta na kami, nagiisip na ako ng dance moves ko baka mapahiya ako sa kasama ko kung uupo na lamang ako buong mag-damag habang nagsasayaw sila. Hindi ko naman siguro kayang gayahin ang sayaw ni Billy Crawford sa ASAP dahil masyado syang magaling. Siguro pwede na ang mga galaw ni John Lloyd Cruz. Medyo corny at pamali-mali minsan pero pinapalakpakan at tinitilian sa ASAP (ganon ba talaga ang effect ng Biogesic?).
Siguro mga 11:30 na ng gabi ng makarating kami sa Deira. Ng makababa sa paid parking malapit sa Marco Polo hotel sa Deira chinick ko muna ang wallet ko baka maparami ng order at kapusin ako ng pera. Medyo naglakad pa kami ng kunti papunta sa likod ng Marco Polo hotel. Una kung napansin kaagad ang mga ilaw na bilog sa taas ng pader ng Chikka Grill. Sabi ng kasama ko parang naalala daw nya yong Inn sa Pilipinas nong binata pa sya. May mallit lang ang neon sign na may nakalagay CHIKKA GRILL sa harapan ng building. Siguro pag napadaan ka sa umaga, hindi mo sya mapapansin kaagad.
Pag pasok naming sa mallit na gate may mga receptionists. Nadidinig ko na ang mahinang tugtog sa loob. Wala namang entrance fee ng gabing yon. Pero inalok kaming mag fill up daw ng mallit na papel. May pa raffle daw mamaya basta may ID. Hindi na kami sumulat. Nagmadali na kaming pumasok. Pagbukas ng pinto naramdaman ko agad lakas ng speaker. May mallit na dance floor sa gitna. At sa itaas may samot saring mga ilaw. May pula, may berde may yellow. Mayron ding isang malaking bolang salamin na dahan dahang umiikot na pag timaan ng ilaw ay nagbibigay ng puting liwanag. Naalala ko tuloy ang napanood kong spaceship sa Star Wars. At yong mga ilaw sabay sabay na kumikisalp kislap. Animoy sinasabayan ang malakas na tugtug ng DJ. Mga ilang lamesa din ang naka pwesto at kanya kanyang grupo ang mga nagiinom. Walang banda sa stage pero may DJ na nagpapatugtug ng mga remix. May agad na lumapit na babaeng naka green. Waitress siguro. Nagtanong kung ilang kami. Pinaupo kami sa bakanteng upuan katabi ng stage. Tamang tama. Kitang kita naming ang banda sa stage.
Pagupo naming inabot sa amin ng waitress ang menu. Ganon pala ang menu dito. Hi tech. Kahit madilim mababasa mo ang mga nakasulat. Umorder kami ng grilled belly na baboy. May free na daw na isang pitcher ng beer yon. Binigyan na kami ng tig iisang baso at isang platitong mani. Kanya kanya na kaming dampot habang naghihintay ng aming inorder. Maya maya pa at dumating na rin ang aming order. Maganda ang presentation ng pulutan. Nakapatong sa dahon ng pechay ang baboy may hiwang kamatis at cucumber sa tabi. Kompleto pala ang service dito. Pati ang pag lalagay ng beer sa baso ginagawa pa ng waitress.
Ilang minuto pa nag tipon na ang mga membro ng banda sa stage. Una ko agad napansin ang maiikling suot ng dalawang singer na babae. Yong isang namang lalakeng singer naka sunglass kahit madilim. May theme ata silang ngayong gabi. Parang nakasuot silang lahat ng pang beach. Tinugtog agad nila yong paborito kong Manila Girl. Napasabay naman ang mga kamay ko pagda-drum sa ibabaw ng mesa.
Mga isang oras ding tumugtog ng iba’t ibang kanta ang banda bago umalis sa stage para mag break. Sumunod namang nagpatugtug ulit ang DJ ng mga remix. Unti unti ng dumarami ang tao sa loob ng Chikka Grill. May Iba’t ibang lahi rin palang madalas tumatambay dito. May mga ilan ng sumasayaw sa maliit na dance floor. Medyo kinakabahan na ako kasi alam ko wala na akong magawa. Mapipilitan na akong sumayaw. Hindi na nga ako nagkamali at maya maya pa ay bigla ng tumayo ang isa kong kasama at nagyaya na pumunta sa gitna.
Pagdating ko sa gitna sumiksik ako sa medyo matao na pwesto para kesyo kunti lang ang igagalaw ko. Kunyari hindi makasayaw dahil sa sobrang sikip. Kunsabagay wala naming nakakakilala sa akin kaya medyo tinaas ko ang mga kamay ko at pawave wave ako ng kunti. Hindi naman pala ako nag iisa dahil may isang lalake na kanina ko pa pinagmamasdan eh parepareho lang naman ang steps. Ramdam ko na medyo pinagpapawisan na ako. Mga 15 minutes na siguro kaming sumasayaw. Maya maya nag yaya na na akong mag CR kasi puno na ang pantog ko. At pagbalik ko hindi na ako sumayaw dumiretso na ako sa lamesa at inubos ko ang beer sa baso ko.
Mga nakailang kanta rin ang banda. Mag aalas tres na non ng madaling araw at magsasara na ng magkayayaan ng umuwi pero nagyaya pa ang isang kasama naming sumayaw sa gitna. Pinagbigyan ko na total pauwi na rin kami. Ni-level up ko ang sayaw ko. Pinakawalan ko na ang mga alam kong Bentong-Jetlee moves. Sabi tuloy ng kasama parang daw akong boxer na pilit umiilag sa mga suntok ng kalaban. Bigla na lang bumukas ang mga ilaw. Kaya nagmadali na akong lumabas sa Chikka Grill baka lalong akong ma expose at hinihintay ko na lamang ang mga kasama ko sa labas. Habang naglalakad kami papuntang parking lot may parang maliliit na motor na umaandar sa magkabilang tenga ko. Dala siguro sa lakas ng togtug ng sounds nag vivibrate pa kahit nasa labas na kami.
Pauwi na kami pero naalala ko pa rin ang ilang oras naming good time. Nag enjoy naman kaming lahat. Yon lang ang laging problema ko. Amoy sigarilyo ang damit at pantalon ko. Hindi naman ata no smoking ang lugar.
Next time sa ibang bar naman kami pupunta.
P.S. Darating daw si Vice Ganda sa Chikka Grill next Month (June 3,4 and 5). Abangan nyo na lang.

No comments:
Post a Comment