Tuesday, May 25, 2010
Guztow K0ng mu@gIng J3j3mon
Una kong na encounter ang salitang JEJEMONS sa facebook. Akala ko nong una ang mga jejemons ay grupo ng mga kabataan na may identity tulad ng mga Metal boys na laging nakaitim at may mga silver accessories sa katawan at Hiphop boys na parang palda ang mga suot na pantalon. Kalimitan may tatak na No Fear o Nirvana sa black na tshirt tapos naka-boots ang mga metal boys. May mahabang silver key chain din na laging nakasabit sa bulsa at may bungo na singsing sa daliri. For emphasis usually kalbo ang mga ito. Ang mga hiphop naman ay laging naka rubber shoes na puti, maluwang ang mga pantalon. Kita ang brief na bacon na ang garter sa kalumaan. Ang pantaas naman ay pang basketball na nakapang-ibabaw sa puting tshirt. At usually naka highlights ang buhok.
NoWnG h!gH zcH00wL P@H aq~~~, kanyAH-KanYu@Ng tr!p @Ng mgAh KAbaTU@@n at SuAH tuwing mag kaK@ZAlubon6 @nG mg@h !T0W @3y d3h Mai1Was@nG maG kAguL0W lUalOh nU@h kUnG naZaH lAb@S nUAh nG cAmpUs.
Pero itong mga jejemons iba naman ang trip. Mahilig daw silang magpalit ng mga letra at spelling to the point na halos hindi mo na sya maiintindihan. Madalas makikita ang mga jejemon lingo sa text, sa friendster, facebook at iba pang social networking sites. Madalas ang mga kabataan ang gumagamit ng jejemon lingo.
Ito marahil ang dahilan kung bakit ang Department of Education ay nagsabing iwasan ang jejemon phenomenon dahil baka masanay ang mga kabataan sa maling spelling. Kung sabagay, kanya kanyang trip lang naman yan. Pero sa dami na ngang gramatical error sa libro ng Grade 6 sa elementary dadagdag pa itong jejemon lingo baka hindi na tayo mag kaintindihan pa. Mayron naring jejemon translator kung gusto mong subukan.
Ang iba naman ok lang at nirerespeto ang mga jejemons pero ang iba naiinis at talagang nakakainis. Pano kasi lalo pang pinahirapang maintindihan ang mga salita. Dahil dito nagsulpotan ang grupong anti-jejemon na Jejemon Buster sa facebook. Patayan daw at all out war versus the jejemons. Sa Youtube mayron na ring mga anti-jejemon campaign at naispoof pa nga nila ang isang political ads para dito eh. Pag nagkagera ang mga jejemon at anti-jejemon tiyak panalo ang mga anti-jejemon sa dami nila. Hindi ko na siguro itutuloy ang balak kong maging jejemon. Natakot na ako eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
e0w (Hello) ?! I have learnt something new, It's Jejemon! This is very interesting group.
ReplyDeletehi sedat! thanks for reading my tagalog post.
ReplyDeleteMSteR, KPG~ NGINg JejeM0n U AY aQ~ aNG unG mWWLA sA dUmrAMI U mGA FolLoweRs p0wH. wE wILl kiLL U L0LZ!~ loLZ!
ReplyDeleteto be fair, napakahirap magsulat ng ganyang message. dapat talaga ay may will power ka at angking talento sa pagpindot ng teklada.
just in case na trip mo makita ang sinaunang way ng pagsusulat ng tagalog, heto ang link: http://www.christusrex.org/www1/pater/JPN-tagalog-ancient.html
kung darami ang jejemons, malamang ay bumabalik na tayo sa medieval times! buti nalang ay nag-declare na ang DepEd ng all-out-war against those paksyets!
hirap magbasa ng jejemon language lalo na ung super dagdag. Pero may iba naman na madaling basahin, mild lang ang pagiging jejemon.
ReplyDeleteNakakalokers ang jejemon ha! bat kase pinauso to. Masakit sa mata lalo sa ulo. Tama ang pagdeclare ng DepED ng all out war dyusme I must admit yong english ko kabarukan pag sasama patong jejemon ewan ko nalang. Yun lang pOh! Hahaha'
ReplyDelete