Thursday, June 3, 2010

Ibat-Ibang Vending Machine

Siguro naman eh pamilyar na tayo sa mga Vending Machines. Sa mga hindi nakakaalam o nakalimutan na ang itsura ng vending machine (joke lang!), kalimitan eto yong parang malaking aparador na bakal na may ibat ibang mga paninda sa loob. Tapos huhulogan mo lang ng barya at pipindot ka (kaling!) lalabas na yong napagtripan mong pagkain o inumin. 

Mga 1880 pa daw ng mag simula ang vending machine sa US. Simula noon iba't ibang vending machine na rin ang nagsulpotan. Tulad na lamang nitong vending machine ng IPOD.


IPOD vending machine


Syempre pamilyar na rin tayo sa vending machine ng mga drinks at kape. Samahan mo na rin pambara. Madali lang yan! Eto may hotdog sandwhich at pizza.



 Bitin?! eh yong panghimagas? Eto mayron din. Vending machine ng ice cream.

Ice Cream vending machine

Pati pala vending machine ng pantalon mayron din.

jeans vending machine
Pero etong mga sumusunod na vending machine medyo nakakagulat at kakaiba. May available na palang medical marijuana vending machine. Palusot pa! Pero marijuana pa rin noh. Dinagdagan lang ng "medical".

medical marijuana vending machine


At itong isa vending machine ng condom. Pero alam ko may nakita na ako nito sa Pinas. Madami nito sa mga motel sa Malate at sa Pasay road sa Baclaran. Oiiiist! Napadaan lang ako doon. Hindi pa ako nakakapasok sa mga motel for clarification lang. hehehe...

condom vending machine

At bale yong pinakafinale ko (drums please....),  itong vending machine ng gold sa Emirates Palace Hotel sa Abu Dhabi. Pano ba naman pangalawa pa lang ito gold vending machine na ito sa mundo. Yong isa nasa Germany pa. Naglalabas daw itong machine ng 1 gram, 5 gram at 10 gram bars na ginto. At pwede rin daw na gintong mga coins. Syempre naka connect sa internet ang machine na ito kaya updated laging presyo ng ginto. Hanep talaga.













1 comment:

  1. wow, astig yang mga vending machines na pinakita mo! ang lufet ng sa ipod at mary jane. panalo. ano na kaya ang sunod pa nilang maiisip?

    ReplyDelete