Thursday, June 17, 2010

Ali Baba

"Nine-year-old burglar arrested in Ajman"
Nagulat ako sa isang balita sa Gulfnews. Hindi ko akalain na sa murang edad na batang ito ay kung ano anong kalukuhan na ang pumasok sa kokoti nya. Biruin mo ang style nitong batang taga-afghanistan ay mag-mamanman kung anong flat ang may bukas na bintana sa kusina o banyo saka aakyat galing sa airvent o fire exit. Dahil nga sa magaan at maliit ang katawan nya, kayang nyang pumasok sa mallit na lagusan at saka nakawan ang napagtripang flat. Laptop, camera, cellphone, relo o pera. Pawang maliliit lang na mga gamit na kayang bitbitin ang kanyang mga ninanakaw. Mayron na ring syang suking Pakistano na bumibili  sa murang halaga. Naimagine ko na para syang little brother ni Spiderman, kasi kahit sa 15th floor ng building ay walang takot na maglambitin sa mga tubo habang pilit na pumasok sa pagnanakawang flat. 

Buti na lang at nahuli sya ng mga pulis-Ajman last week. Pero hindi naman nakulong dahil minor-de-edad. Yon nga lang, ang mga magulang nya magbabayad sa mga naibentang nang gamit.

Ilang reaksyon galing sa mga readers:


"A parent’s responsibility is to teach children good things, bring them closer to religion. Let us remember that our children are our future."

"If the parents of this boy were aware of his thieving, then they should be held accountable. The fact that his mother merely said they will pay the victims back now that he has been caught is unacceptable."


Pero hindi talaga yon ang gusto kong ikwento. Intro ko lang yon.

Sa paraan ng pagnanakaw ay bigla kong naalala ang nangyari sa amin noong February 13, 2010. Friday non. Alas-9 ng gabi.  Galing kami sa pamamasyal sa Dubai. Nakagawian na ni misis pagdating sa bahay na magbukas ng kanyang Vaio laptop para mag check ng Facebook at mag farming sa Farmville. Pero hindi nya makita ang laptop na nakapatong lang study table. Hindi naman ako kinabahan. Hinanap ko naman ang HP laptop ko. Nawawala rin. Saka ko lang na realize na napasok na nga kami ng magnanakaw dahil yong alkansiya na may lamang perang nagpagbentahan namin sa Flea market ay nakapatong sa sofa at wala ng laman. Pati yong digital camera ay nawawala na rin. 

Naglibot ako sa bahay. Napansin ko na binaklas ang mga aparador namin at magulo ang loob. Sa kusina, may footprints galing sa maliit na bintana papunta sa living room. Hindi kasi naka lock ang bintana sa kusina namin dahil doon dumadaan ang cable ng TFC galing sa rooftop. At sino ba naman magaakala na doon dadaan ang magnanakaw eh nasa 6th floor kami nakatira. Kinalma ko na si misis na non ay nagpapanick at paiyak na. Sumugod agad ang mga friends namin ng mabalitaan ang nangyari.

Una kong pinaalam sa nator (watchman) ang nangyari. Tinawag ko na rin sa pulis para maimbistigahan. 

Ganito ang usapan namin:

Ako: hello. good evening sir.
Pulis: Good evening to you.
Ako: I would like to report a burglarly in my flat!
Pulis: uhhh what burglarly?! 
Ako: someone open my flat. laptop is missing, camera and money...
Pulis: ..one minute.. uhh.. Ali Baba?? Pilipini?
Ako: (isip ako kung sino nga ba si Ali Baba..) yes.. yes. Ali Baba!
Pulis: okey.okey give me your location...

Maya maya may dumating na dalawang pulis at nag imbestiga. (in fariness, mabilis ang response time ng pulis dito) Sumunod na ring dumating ang dalawa pang CID. Matapos ang imbestigasyon, binigyan ako ng insruction na may darating na forensic para kumuha ng fingerprints. Sumunod na rin ako sa Ajman Police Station para mag file ng case.

Fast forward: 

Hindi na ako nag aksaya ng panahon at sumugod na ako sa Ajman police station para ifollow up ang case ko. Malakas ang kutob ko na itong batang rin ang nanloob sa flat namin. Wala naman akong balak na pahabain pa ang kaso. Nagbakasakali lang ako na marecover ko pa ang mga gamit ko kahit apat na buwan na ang nakaraan. Pagdating sa police station tinuro ako na pumunta sa CID office dahil wala pa daw update ang kaso ko. Sa CID office nakausap ko ang isang police na hirap mag ingles na sa korte daw dapat ako magpunta.

Pagdating sa korte wala naman daw silang makita sa computer. Pinabalik ako pulis at saka daw ako bumalik sa korte. Wala namang sinabi kung ano ang gagawin ko sa pulis. Umusok ang tenga at ilong ko. Mukha ba akong ping pong ball? Nainis ako dahil mukhang malabo ata na marecover ko pa ang mga nanakaw ko na mga gamit.

Nawalan na ako ng gana pang ifollow up ulit ang kaso ko. Inisip ko na lang na sana kung naibenta ang mga gamit ko ay nakatulong ako kung anong mayrong pangangailangan ang pamilya nya. Sa isang siyam na taong gulang na bata na magnakaw at umakyat sa napakataas na building, sa tingin ko ay may malaking pagkukulang ang mga magulang. Hindi naman siguro dahil dala ng kahirapan sa buhay kundi kulang sa gabay at tamang pag aaruga sa mga bata.

Kaya ako kahit sa murang edad pa lang sinisimulan ko nang turuan ng magandang asal ang mga anak ko. Lalo na yong bunso kong lalake. Ayaw ko kasi syang lumaking "mandurukot".

makati ba talaga anak?

5 comments:

  1. nanakawan na rin kami ng misis ko sa bahay. ang nakakaasar ay nandito na ako sa saudi nang maganap 'yun. sinamantala ng walnghiyang magnanakaw yung pagkawala ko.

    may "not so similar" story ako tungkol sa mga kumpare ni ali baba: Click Here

    ReplyDelete
  2. may dinudukot si junior.... ah... nagkakamot lang pala.

    sayang naman ung items na nanakaw. hope mabiyayaan agad kayo para mapalitan ung items.

    ReplyDelete
  3. grabe nman yung bata na yun. may ganyan pala sa dubai

    ReplyDelete
  4. kami din nanakawan ng kapwa pinoy. lumaba kme pra magpaduplicate ng susi. pagbalik namn nkalimutan namn isara ang pinto ng flat. 2mins lang nasalisihan kme. msakit nito pinoy din ang kmuha. nakita sa cctv kme yun huling pmasok sa flat. at dahil tmwg kme ng pulis pra sa "maliit na bagay" sabi nf engineer ng building tnakot nya kme na kung magfifile kme ng case ipapabaladiya kame at suspect din kme kasi iniwan namin bukas yun pinto. 😢 nkakatrauma lang un ngyre

    ReplyDelete
  5. di ko lang maintindihan kung bakit ang biktima aay magiging suspek din dahil hindi lang nagsara ng pinto.

    ReplyDelete