Sunday, June 6, 2010

My Mt. Tapulao Climb aka High Peak in Zambales




photo ng bunker at trail.


Ito kasing si pareng Mervin mahilig mag kwento ng kanyang mountain hiking adventures. Lalo ko tuloy na miss ang mga kaberks ko sa Pinas na lagi kong kasa kasama sa mga akyat. Kaya naman gusto kong sariwain ang isa sa mga memorable kong hiking sa Zambales. Kaya ito uumpisahan ko na.

Hatinggabi ng biyernes ng magkita kaming apat sa paradahan ng Victory Liner sa Pasay. Si pareng Arvin. taga San Pedro, Laguna. Kasamahan ko sa trabaho sa Fuji Electric. Chickboy. Si Berns taga Fuji Electric  din. Hindi sumusuko sa matinding akyatan. At si Luz. Isa sa mga barkada ko sa Adamson U na mahilig rin umakyat.  

Sa tagal na rin naming magkakasamang umakyat, alam na ng bawat isa ang mga gamit at supplies na dadalhin depende sa aasahang condition ng bundok. Nag late dinner kaming apat sa estasyon ng bus dahil pawang pagod at galing pa sa opisina. Sa bus na lang kami kukuha ng tulog para may energy sa mahabang akyatan. Maya maya nag bukas na pila ng ticket papuntang Iba, Zambales. Habang nakapila kami nagtanong ako sa mamang nasa unahan ko kung may alam sya sa lugar na pupuntahan namin sabay pinakita ang itinerary na kinuha ko sa internet. 

"Sa Brgy. Damapay-Salaza ba ang punta nyo? sa Iba?" tanong ng mama.
"Opo", sagot ko naman.
"Ingat kayo don. Delikado ang lugar na yon. Madaming NPA."

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya. Sa dami na rin inakyat ko wala pa akong na encounter na NPA sa bundok. Pero tuloy pa rin kami kahit kabado.

Pinilit kong matulog sa bus kahit malakas ang ugong ng gulong. Feeling ko mga 15 minutes lang ako natulog ng namalayan kong nakaparada na pala ang sinasakyan naming bus sa estasyon. Ala singko na pala ng umaga. Dali dali kaming bumaba para magtanong buti na lang nilapitan kami ng isang tricycle. Alam daw nya ang pupuntahan naming barangay. Eh di sige sakay na kami. Super bilis pala mag patakbo ng mga tricycle sa probinsya. Parang kasali kami sa isang karera dahil hindi ko maimulat ang mata ko sa lakas ng hangin na humahampas sa mukha ko.

Pagkatapos mag paregister sa isang outpost ng army nag last minute check kami bago magsimula. Ibinigay pa sa akin ang cellphone number ng isang militar para daw abisuhan ko daw sya kung may makita daw akong NPA. Loko pala eh. Ginawa pa akong spy. 

6 am. Nagsimula kaming maglakad. Sa una napansin ko kaagad na malawak naman pala ang trail at kasya ang 4x4 ng sasakyan. Gawa siguro ng naudlot na pagmimina kaya may established na trail. Kaya lang naglalakihan ang mga bato sa lupa kaya mahirap maglakad.

9 am. 3 oras na paglalakad inabot na kami ng gutom kaya nagdecide kaming mag breakfast sa trail. Masakit na sa balat ang sikat ng araw. Wala pa rin talagang sasarap sa Ma-Ling at tinapay lalo na kung gutom at pagod ka na.

12 nn. Wala pa rin linaw kung nasaan na kami. Hindi pa ata uso ang handheld na GPS non at wala rin akong pambili. Kaya inaliw ko na lang ang sarili ko habang nakikinig ng balita sa radio sa pagdating ni President Bush sa Pilipinas ng araw na yon.

2 pm. Nagsimula ng sumakit ang binti ko. Dahil mga 15 kg din ata ang load ko sa bag. May mga 8 oras na rin kaming naglalakad.

3 pm. Napansin kong medyo nag fofog na at mahirap na huminga siguro dahil na rin sa mataas na ang altitude namin. Gumaganda na rin ang view. May napansin kaming falls sa isang bangin sa malayo. Syemper! Hindi mawala ang kodakan. 

4 pm. Anak ng tinapa! Wala pa rin kami sa campsite. Pero napansin ko na talagang mataas na kami dahil halos kapantay na rin namin ang ibang peak. Nakikita ko na rin ang China sea. Nakita na rin namin ang ibat ibang mga halaman na sa bundok lang at sa malalmig na lugar nabubuhay.

6 pm. Sa wakas nakarating na rin kami sa campsite.. Pero wala pa kami sa peak. May nakabarang sirang bulldozer sa daan. Sobrang lakas ng hangin at super lamig. Basa ang lupa at maraming pine tree na tulad ng nakikita ko sa Baguio. May isang bunker pero nakasusi. Kaya naghanap kami ng lugar para magtirik ng tent. Nakaramdam agad ako ng matinding gutom. Buti na lang at may water source. Kaya pagkatapos namin maglinis ng katawan nag handa na kami ng makakain. Halos maubos ko ang totong sa kaldero sa sobrang gutom. Sabi nila pampakapal daw ng b** b** ang totong. Totoo ba? ehehehe..

Maya maya may dumating na tatlong lalaki. Kinabahan kami bigla. Baka ito yong sinasabi ng mama ng mga NPA. Pero napag alaman ni pareng Arvin na nangangaso lang pala sila at magpapalipas lang sila ng gabi sa di kalayuan. 

Usually pagka ganitong akyat bago matulog ay nagkakawentohan muna o di kaya maglaro ng baraha habang nag sashot ng gin para pang painit. Hindi na namin nagawa pang makipag sosyals. Diretso na kami tulog sa tindi ng sakit ng katawan. Buti na lang at may winter jacket ako at least nabawasan ng kunti ang lamig. 

Kinabukasan ginising ko ang mga kasama ko para makakain na at maumpisahan ang direct assault sa summit. Nag pack up na kami para pag baba namin diretso na kami pabalik sa barangay. Medyo madali kahit masukal ang trail dahil wala kaming dalang gamit. Malumot ang mga puno at mga baging. Halos di namin makita ang trail dahil sa kapal ng fog. Mga 45 minutes din kaming naglakad para marating ang peak. Halos wala kaming makita view sa taas. May malaking hukay sa peak at may mga kalawangin na drum sa tabi tabi. Yon lang naman ang isang accomplishment ng isang mountaineer ang makarating sa taas pagkatapos ng isang matinding akyatan. Sa wakas naconquer ko na rin ang 2,000 m ASL na Mt. Tapulao.

Pagkatapos ng maikling kodakan, bumalik na kami sa campsite. Mga 5 hours din kaming naglakad pababa. Muntik pa kaming maiwanan ng bus sa Iba, Zambales. Buti na lang at nakahabol pa kami ng biyaheng Olongapo. Madaling araw na ng lunes kami nakarating sa Manila.

At doon nagtatapos ang aking kwento.


* ang mga larawang ginamit ay hindi ko pag aari

6 comments:

  1. wow parekoy, sarap dyan. gustung-gusto ko ring umakyat ng bundok kaso hanggang trekking lang ako sa majayjay at cavite. the best talaga ang mga nature tripping na ganyan!

    ReplyDelete
  2. @nobenta... hindi rin ako mahilig dati sa ganitong activity pero nong nasubukan ko tuloy tuloy na. madalas din kami sa majayjay sa may Imelda Falls. Sarap ng tubig. tapos daan ng Liliw para sa murang sapatos.

    ReplyDelete
  3. wow, napapadpad ka rin pala sa imelda falls! sarap doon. pati sa dilitiwan. miss ko na yung lugar na yun. ang last na punta ko ay 2007 pa. makapunta nga sa bakasyon!

    ReplyDelete
  4. pare koy hindi pa ako nakarating sa dilitiwan pero nakita ko sa internet maganda pala. sa ngayon ata hindi na natural ang ganda ng Imelda falls kasi parang ginawan na nila ng parang semento na barrier ang tubig para lumalim. dati malalaking bato lang lahat yon

    ReplyDelete
  5. malapit lang kami sa majayjay falls.. medyo matagal na din ako nung huling nagpunta dun.. medyo nagiging commercialized at populated na ang lugar kaya di na maganda.. tas ang tao pa naman, sige ang kalat ng basura.. nasubukan mo na umakyat sa buruwisan falls sa famy laguna?

    ReplyDelete
  6. pare koy hindi pa ako nakarating sa buruwisan falls. na google ko nga at mukhang maganda mag swimming ah. try kong puntahan pag nag bakasyon ako sa pinas

    ReplyDelete