Saturday, June 5, 2010

Pasukan na!


Xxxxcited ako last week dahil sa kauna unahang pagkakataon ay magkakaroon na ako ng estudyante. Yong kasing cute kong panganay na girl na si Abigail ay papasok na sa nursery school dito sa Sharjah , UAE. Matagal tagal tagal na rin naming balak papasukin etong cute na anak ni Juan kasi nga para mabawasan ng at least 50% man lang ng kakulitan at kaguluhan sa bahay dahil yong isa pang anak ko na boy (galing ko no... naka girl and boy ako. naks!) ay nagsisimula na ring maging pasaway. 


Abigail Omaira
Hindi pala biro mag paaral ng nursery dito sa Sharjah bukod sa mahal ang tuition kailangan pang mag adjust ako ng timings ko sa opisina dahil hanggang ala-una lang ng hapon ang klase sa nursery. Biruin mo ang pinakamahal na tuition na nagpagtanongan namin ay umabot ng 1,200 dirhams. Halos   15,000 pesos din yon kada buwan. Wala pa don ang uniform at ang school service. Ang pinakamura naman ay 600 dirhams.  Kaya isip kami isip kung saan magandang school namin ienroll ang aming school girl.  Finally, dahil sa personal kong nakausap ang may-ari at nakita ko na rin ang kabuuan ng kanilang facilities, inin-roll namin si Abby sa Little Noof English Nursery dito sa Sharjah. 


Little Noof English Nursery



Kaya nong weekend ding yon namasyal kami sa Dragon Mart sa Dubai para bumili ng school bag. Mura kasi don ang mga bilihin dahil lahat galing Tsina. Friday non kaya halos siksikan ang mga tao sa Dragon Mart. Mga ilang oras din kaming nag ikot para maghanap ng pink na Hello Kitty school bag.  Pagbalik sa bahay agad naming inayos ang mga gamit. Syempre hindi mawawala ang diaper, wet wipes, extra damit, dede, biscuit, sandwhich at pamunas. 

Habang nag aayos ako ng mga gamit sumagi sa isip ko ito na ang start ng 20 years na pag papaaral ko sa anak ko hanggang college. Mahaba-habang panahon din pala. Ngayon ko lang talaga na appreciate ang mga paghihirap nong mga nag alaga sa akin nong nag aaral din ako simula kinder hanggang college. Tapos ngayon ako naman. Halos ganon pala talaga katagal ang nilalagi natin sa eskwelehan. 20 years! Tapos pag graduate mang mang pa rin. Mayrong tatambay lang, mag da-drugs, mang hohold up, nagiging leader ng mga goons, nagiging baluktot na pulitiko, manyak na pari, corrupt na opisyal. Hay naku. Baka nga hindi talaga sapat ang 20 years para matuto at maging produktibong mamamayan.

Anyway balik tayo sa topic ko. Sa unang araw ng pasukan ni Abby , pag pasok nya pa lang sa gate ng school ay sigaw sya ng sigaw dahil naexcite sya mag laro sa mga makukulay na bisekleta at mga bahay bahayan. Napangiti na lamang ako dahil matututo na syang makihalobilong makipaglaro sa ibang batang kaedad din nya. Wala pang mga pinoy na nakaenroll sa nursery pero karamihan na mga nanny ay pinoy kaya naging kampante ako na iwanan ang aking mahal na si Abby. Bilang isang magulang kahit mahal ang tuition ay gagawin mo talaga ang sa tingin mo ay pinakamagaling at kayang mong ibigay na makakabuti sa anak. 

Nong isang araw may napansin akong mga papel na nakatupi sa kanyang bag. Na curios naman ako kung ano mga yon. Kaya habang nag dadrive ay dinukot ko para matingnan. Ng makita ko ang mga papel, feel na fell ko sa puso ko..... proud daddy ako.






5 comments:

  1. wow, exciting talaga yan parekoy.excited din ako sa mga chikiting ko kapag dumating na 'yung time na yan.

    gusto ko rin sana silang dalhin dito sa saudi kaso naisip ko nga lang na talagang mahal ang tuition dito sa abroad.

    ReplyDelete
  2. pare koy din! sobra talagang mahal. kailangan mag aral eh. No choice.

    ReplyDelete
  3. grabe pala ang tuition sa abroad,pero kailangang din kasi ng bata e. goodluck sa baby mo at sana matataas grades nia para sulit :)

    ReplyDelete
  4. @khantotantra...minsan sumagi na rin sa isip ko na sa Pinas na lang sila mag aaral kaso. mamimiss ko naman. hirap ng buhay OFW talaga.

    ReplyDelete
  5. Wow! ang galing kaya lang mukhang galit siya doon sa "R" hehe! Na-bore siguro haha! or nakatuwaan nila ng kanyang katabi.

    Mahal man ang ginastos mo nakikita mo naman yung progress ng kanyang paglaki at pag-aaral. Hindi pa rin mapapantayan ang kalinga ng magulang habang sila ay nag-aaral kasi tayo ang pinaka-importanteng teachers nila.

    Ako isa pa lang ang aking bulilit at mag-aaral pa lang this sept/oct - british curriculum. Nakaka-excite ngang talaga.

    ReplyDelete