Marami ang mga pinoy na nakikipagsapalaran para maghanap ng trabaho sa UAE ay mga visit visa. Ibig sabihin mga ilang linggo lang ang palugit para makahanap ng employer at makakuha ng working visa. Parang nagtutulay ka sa alamre pag napadpad ka sa UAE sa ganitong status. Dahil hindi mo alam kung kailan ka magkakatrabaho ng matino at kung hindi ay malamang gagastos ka ng malaki dahil dapat mong mag exit sa UAE. Gagastos ka na naman para sa panibagong visa para makapasok sa ulit sa UAE.
Isa ako sa mga nag lakas loob na maghanap ng magandang kapalaran sa Dubai.
Syempre bagong dating sa Dubai. Walang pera dahil naubos ang pera ko pagbili ng visit visa. $ 100 lang at lakas ng loob ang baon ko. At syempre paawa effect sa mga kaibigan para pautangin ng pang bed space at pambili ng pagkain. Inutang ko pa sa tito ko ang pamasahe ko sa Emirates Airlines. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Sa ilang taon din na nagtrabaho ako sa pinas ni singkong duling wala akong ipon. Mas mahirap pa ata ako sa daga.
August ako ng dumating sa Dubai noon. Napansin ang kakaibang init ng panahon paglabas ko pa lang ng eroplano. At take note ito ang unang bansang napuntahan ko.
Napadpad ako sa bandang Karama. Nakibed space ako sa isang flat sa may Al Attar building. Dahil sa dami ng pinoy , maituturing kong isang malaking barangay ang Al Attar building. Sa flat kung saan ako unang tumira, 22 kaming mga barako ang nagsiksikan sa mga double deck na kama. Yong isang kwarto 6 ang natutulog. Sa salas na ginawa na ring kwarto ay walo at sa hallway kung san ako nakapwesto ay anim. Sa isa pang kwarto ay para sa mag asawang may ari ng flat.
Sa pwesto ko laging gabi. Shifting kasi ang kasama ko sa kwarto na ang partition ay isang makapal na kurtina kaya madalas patay ang ilaw. Ang banyo walang linisan kaya mas mapanghi pa sa pink na urinals na pinauso ni Bayani Fernando sa EDSA. Sa kusina nakapila hanggang pinto ang mga labahan lalo na pag friday sa iisang front load na washing machine.
Pag tulugan na, lagi kong katabi ang pula kong flashlight. Pangbugaw ko sa mga suking arabong ipis na ginagawang playing field ang kama ko. At siyempre ang mga surot na paborit akong ngatngatin.
Sa karama natuto akong magtipid. Sa dami ng nagluluto ng hapunan at pang baon sa kusina, nagkasya na lamang ako sa isang shawarma at 7 up sa gabi. Solb ba ako. Wala namang TFC pa non sa flat dahil dagdag gastos pa. Kaya inaaliw ko na lang ang sarili kong tumambay sa bilyaran sa ground floor sa Al Attar bago matulog.

Ang Karama area ay isa sa sikat na lugar ng mga pinoy sa Dubai. Feeling mo nasa DV mall ka lang dahil ang ibang mga lahi na tindiro sa mga tindahan ay natuto na ring magtagalog. Dito makikita ang karamihan na mga pinoy restaurant tulad ng Chowking, Agimono Restaurant, Delmon restaurant, Tagpuan restaurant, Bulwagan Filipino Restaurant, Salt and Pepper Restaurant at kung ano ano pang mga lugawan, gotohan, sago at tokneneng. Nandyan din ang mga pinoy grocery na kung saan makakabili ng mga pork products at mga pagkaing pinoy. Giant Supermarket, CM Supermarket, WestZone Supermarket, Thomson Grocery at iba pa.
Sa Karama rin ako unang nakahanap ng trabaho.
Itutuloy.............