Tuesday, June 8, 2010

Na Mimimiss ko na si Papa Ping

Matagal ko na ring hindi nakikita yong katropa kong si Sen. Panfilo "Ping Pow Pong" Lacson. Pano kasi nadidiin syang mastermind sa Dacer-Corbito Double Murder Case. Kaya yon nag alsa balotan at hindi ko na mahagilap. Akala ko pa naman hindi marunong matakot si pareng Ping dahil dating general ng police pero ayon nag ala ninja. Biglang nag laho. Saka naging busy na rin sa kampanya para sa May 2010 election yong mga ibang kasama nya sa senado kaya hindi na rin napapansin ang kanyang pagliban sa mga session.


Ito ay isang panawagan lamang: "Pareng Ping, kung mabasa mo itong blog ko o mapadpad ka dito sa UAE, paramdam ka naman.  Isama mo naman ako sa world tour mo."

Kaya bilang isang kaibigan at nag mamalasakit gusto kong iaalay ang kantang ito ni Gary V. na may pamagat na "Babalik Ka Rin". Nilagay ko na rin ang lyrics para ,masundan nyo ang Video.

 

I
Saan ka man naroroon ngayon, Saudi, Japan o HongKong
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin.
Ano mang layo ang narating, Singapore, Australia
Europe o Amerika, babalik at babalik ka rin.

Refrain:
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin.

II
Sa piling ng iyong pinagmulan, sa iyong nakaraan
Babalik ka rin, babalik ka rin, babalik ka rin
Anumang layo ang narating, iyong maaalala
Ang dati mong kasama, babalik at babalik ka rin.

Refrain:       Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin.

III
Sa paglipas ng panahon, sa iyong kahapon
Sa alaalang naghihintay sa ‘yo.

Refrain:Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin.
Refrain:Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin
Kaytagal mo nang nawala, babalik ka rin, babalik ka rin.

4 comments:

  1. si ping ang ibinoto kong presidente dati. mas gusto ko ang katulad niya na kamag-anak ni iron man! dahil sa kanyang kamay na bakal ay napatino niya dati sa lugar namin (crame) ang mga pulis!!

    san na kaya siya? text ko nga muna si pampy para malaman ang totoo.....

    ReplyDelete
  2. pare koy.. bilib din naman ako kay pareng Ping. Pero mas bilib ako sa yo kasi kapopost ko palang, within 5 seconds may comment ka na kaagad.

    ReplyDelete
  3. pano kaya sweldo nia sa senado? naka freeze kaya?

    ReplyDelete
  4. palagay ko tuloy pa rin ang kanyang sweldo dahil hindi pa naman sya convicted.

    ReplyDelete