Tuesday, December 28, 2010

Ano ang WISH mo ngayong PASKO?


christmas tree in St. Michael's Church in Sharjah, UAE
Sa may St. Michaels Church sa Sharjah may isang malaking christmas tree malapit sa entrance ng simbahan. For 10 dirhams, bibili ka ng maliit na star na may iba't ibang kulay tapos pwede kang mag sulat ng wish at isabit sa christmas tree. Ang makokolekta ay mapupunta sa pundo ng simbahan.

Hindi naman ako yong tipong tsismoso pero gusto kong malaman kung ano yong mga wish o nasasaloob ng mga taong nag sabit ng wishing star sa christmas tree.

Medyo palihim kong kinuhanan ng litrato ang mga stars. At heto ang mga nabasa ko:  

  


Marami pa rin ang pumupunta at umaasa ng magandang buhay sa UAE kahit crisis ngayon dito.


Palagay ko isang businessman ng nagsulat nito. Mahirap ang naging takbo ng ekonomiya dito for 2010. Pero puno pa rin ng pag asa for 2011. 


Sa totoo lang hindi sya selfish. Nag wish sya hindi para sa kanyang sarili kundi para sa iba. Pero matindi ang wish ng isang ito. Kahit daw masakit kailangan daw ngumiti pa rin. Wapak!


Isa rin ako sa mga nag wish noon na magkaroon ng baby. Pero ngayon 2 na anak hindi muna ako mag wiwish.


Noong bata ako at syempre cute... regalo, damit, laruan at pagkain lang ang kailangan ko para mabuhay.


At ito pa ang pahabol. Isa pang baby.




Ikaw ano ang wish mo ngayong pasko?



Monday, December 27, 2010

10 Things I Love About Christmas in UAE


There are endless things I love about Christmas in UAE  but I decide to list only few:


1. There are Christmas trees and Christmas decors in hotels and 
shopping malls even in a Muslim country like UAE.
Christmas tree in Mall of Emirates in Dubai
 2. Some malls are offering holiday sale.
furniture display in IKEA Dubai

 3. There is Simbang Gabi.

Fr. Serge celebrating Simbang Gabi mass in St. Michaels Church

4. Less chaos in shopping malls for last minute shopping.

5.  We had a Lechon De Leche (roasted pork) as our centerpiece for Noche Buena.

 
6. My family is celebrating my son's birthday on 27th.


7. And my birthday on the 29th.

8. Less inaanak (buti na lang)

9. Weather is cooler than Baguio. You get a more Christmassy feeling.


10. You can play with snow and ski in Ski Dubai in Christmas.

Thursday, December 23, 2010

Quick Post

Nasa draft ko pa ang pang Christmas ko na post daihl hindi ko pa matapos tapos dahil super busy at magpapasko dito sa amin sa UAE. Kahit papano naman ay makaka pagcelebrate kami ng pasko mag anak na sama sama.

Puro bullet entry lang muna dahil 3 minutes ko lang gagawin ang post ko na ito.

  • Mahal ang Purefoods na hamon sa WestZone Supermarket ( isa sa mga Pinoy grocery sa Dubai). Mga 850 pesos lang naman ang isang kilo! Pero pikit mata ko pa ring binili dahil hindi kompleto ang pasko pag walang hamon.

  • Over kami sa family budget ngayon. Bukod sa mag bibirthday ang  bunso kong anak doble ang regalo. Isa galing kay Santa, isa galing sa amin.

  • Masikip ang simbang gabi sa St. Michaels Church sa Sharjah, UAE. Sandamukal ang tao.

  • Walang nagbebenta ng salabat at mainit na puto bumbong sa bangketa. Pero may patagong nagbebenta ng mga Pinoy kakanin sa labas ng simbahan. May balut pa nga kagabi eh 75 pesos ang isa!

Yon lang! muna. Wala pa kasi akong gift for my lovely wify....... kaya panic buying muna ako.

Merry Christmas!

Tuesday, December 14, 2010

Who Killed the Vizcondes?

Now it can be told. Jose Rizal killed the Vizcondes.

After a landmark acquittal of Hubert Webb and several famous personalities involved in Vizconde Massacre in BF homes Paranaque, they are finally set free after wasting 15 long years in jail. The Supreme Court decision is based on the inconsistencies of the main witness Jessica Alfaro who was said to be an NBI agent, a former drug addict and not really an eyewitness. And also for the "failure of the court to prove beyond reasonable doubt".

What makes this massacre a a celebrated case is that all the involve personalities came from prominent and rich families.

One chapter finally has finally close. This is a victory for the Webbs, prolonged agony for Lauro Vizconde.

But one question remains: what's next?

Sunday, December 12, 2010

Kristine


Habang nagtatype ako ng isang entry ko sa blog kagabi, nanonood ako ng Kristine sa TFC. Pwede pala yon nag susulat habang nanonood ng tv. Multi-tasking ang tawag don.

Sa eksena inabutan ko, nakatayo si Bangs Garcia sa harap ng isang water fountain. Naka bath robe tulala at parang may malalim na iniisip. Biglang dumating si Zanjoe Marudo.

Maya maya dahan dahang tinanggal ni Bangs ang bath robe. Naka bra at panty lang pala na black. Biglang naiba ang mukha ni Zanjoe dahil sa ganda ba naman ng katawan ni Bangs. Titig na titig sya kay Bangs. He was like a hungry lion waiting to devour his prey......
  
Yon palang fountain na sinasabi ko ay isang swimming pool. Naiinitan pala si Bangs Garcia kaya naisipan nyang mag night swimming.

Biglang nagkaroon ng so very very animalistic torrid kissing scene si Zanjoe na naka boxer short (ang bilis mag bihis ni Zanjoe! parang Superman) at si Bangs. Magkadikit ang kanilang katawan at gigil na gigil sila sa isa't isa. Parang silang mga bata na pinagaagawan ang isang kutsarang ice cream habang naghahalikan.

Biglang may nag ring na telepono. Parang ganito:

RRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGG!!!!

Dali daling binunot ni Zanjoe ang kanyang sandata este and kanyang ang cellphone sa bulsa. It turned out, imagination nya lang pala yon! Si Zanjoe pala ay may matinding pagnanasa kay Bangs.

Sa soap opera na Kristine napansin ko na nag titipid ang production. Masyado silang nagtitipid sa tela. Ang mga babeng bida dito very revealing ang mga damit. Iniisip ko tuloy maliban sa maganda ang istorya medyo semi-porno ang dating. 

Natatandaan ko sa isang episode ng Kristine, nagkaroon ng mahaba habang love scene si Christine Reyes at Zanjoe Marudo. Kaya hindi talaga pang isip bata ang palabas.

Marahil isa sa dahilan kung bakit natsugi si Denise Laurel dahil she refused to bare more skin. Si Rafael Russel jelly kay Zanjoe dahil nakadalawa na si Zanjoe, si Christine at si Bangs. To make it fair, magiging ka love team nya si Iya Villania na nabalitang nag pasexy na rin.

In their first scene together, reminiscent of  the "broken-car-scene-in-nowhere" situation with Denise Laurel,
as expected pinagdiskitahan ang pantalon. Ayon pinutol hanggang kuyukot para sexy!

Kalurky!!



Friday, December 10, 2010

unPAID Review: My Old Blue TRIBU Sandal




I was so hurt back then like sooo shit dahil nakipag break ang first GF kong nag-lalaw sa Adamson University.  Sabi ng mga ka berks ko na LAW-KO daw ako.

At dahil sa tinding heartache balak ko na sanang mag pa-transplant ng aking duguan at nawasak na puso. Kaya naghanap ako ng outlet for my feelings. Hindi naman ako pwedeng nakasimangot mag hapon o lumipad sa outer space or else baka mawala ako sa aking consciousness. Kaya naisipan kong mamundok. Hindi para umanib sa grupo ni ka Roger kundi para malibang ang aking sarili. In other words, I reinvented myself to become a mountaineer.

Pero hindi ito recollection ng love life ko mga peeps! Ito ay review ng TRIBU sandal at tribute sa isa sa karamay ko sa pag dadalamhati (noon) ng aking nabigong pag-ibig!

Intro ko lang yon. naks!

Isa sa mga basic na gamit sa mountaineering ay ang matibay na tsinelas. Dahil aside from mountaineering shoes, yon lang ang contact mo sa lupa.

Marami rami narin akong inakat na bundok na gamit ang aking nag iisa at matibay na TRIBU sandal. Mapalubog sa putik, mabasa sa ilog at mapasabit sa mga baging at kung ano ano pang mga pahirap sa tsinelas ko ay buo pa rin. Yari ata sa high end rubber pero super lambot at komporable sa paa. Ni hindi ako nagka paltos.

Nong mag Dubai ako naiwan ko ang tsinelas ko sa Pinas. At ng makabalik ako for my vacation nag decide ako na gamitin ko na rin sa Dubai. Hindi ako nahiya na gamitin kahit mag mall ako pag nag grocery. Kahit sa medyo magandang mall sa Dubai mall hindi ako nahiyang isuot.

Sabi nga ni misis baka daw ako mapalayas dahil mukha daw akong beggar sa suot kong tsinelas.

Well yon lang ang masabi ko. Mahaba pa ata ang intro ko. Total hindi naman ito bayad.... hehehe


Thursday, December 9, 2010

HTC Magic or Chinese H802 Product Review


Hi mga peeps!

Tinupak lang ako minsan na mapagtripan kong bumili ng Chinese-made phone sa Dragon Mart sa Dubai. Kung mapadpad ka sa Dragon Mart sa Dubai, particularly sa mga electronics section feeling mo ang yaman-yaman mo kasi ang mumura ng mga cellphones at mga computers. Kayang kaya mong bumili ng mga high end na gadget kahit nagtitipid.

For example, ang latest na iPhone ay 500 aed lang!

Well not exactly mga peeps. Dahil halos ang mga ito ay duplicates! Yes! Sa unang tingin halos wala kang makita na pag kakaiba sa physical appearance. Pero on a closer look walang duda fake talaga.

At ito ang napili kong cellphone na "hi-tech" (kuno) na H802 na clone ng HTC Magic. Sa halagang aed 275, Ay halos wala ka ng hahanapin pa. Bukod sa motion games, ito a dual SIM, touch screen, may email, built in facebook, bluetooth, WIFI (na sobrang malas ay hindi nag ko-connect) camera, video camera, e book, slide, recorder, radio at bukod sa lahat ay may TV!


Original HTC Magic
Original HTC Magic
Original HTC Magic

Yes mga peeps! May TV ang cellphone ko! Lahat na ata ng mga features sa ibang telephone ay pinagsama sama na dito sa telephone ko. Bukod sa dami ng features ng phone ay may extra free battery pang kasama. Kaya naman super excited akong i-bida sa mga friends ko ang mala-007 ko na gadget.

Fake HTC Phone

Fake HTC Phone

Fake HTC Phone

Medyo tuloy-tuloy na sana mababaw kong kaligayahan pero may napansin akong "weird" sa telepono ko. Bukod sa hindi nag-kokonect ang WIFI, minsan depekto rin ang touch screen. At yong kausap ko minsan feeling ko nasa kabilang dimension dahil feeling ko ang layo layo nya dahil hindi clear ang mga sinasabi.

Well what to do ( sabi nga ng mga Pana dito sa dubai). Alangan namang itapon ko ang ala-HTC ko basta na lang ang telepono.

Actually I am beginning to loveeeee ittt! Dahil wala naman akong pakialam kung mahulog o mawala ang telepono ko dahil its so cheapppp! I don't care...!    


Sunday, November 14, 2010

Thank you TFC!

Hindi ko binalak na mag subscribe sa pay-per-view ng TFC sa laban ni Magarito-Pacquiao. Dahil pang gatas at pang diaper na ng mga anak ko yon hehehe... Kaya kahit medyo delay na kunti balak ko na lang sana na makuntento sa blow blow running account ng http://www.inquirer.net/. At isa pa aabangan ko na lang sana sa facebook ang magwawagi sa laban.

Pero may tumawag na nagmalasakit na kaibigan. Mayron daw syang napapanood na laban sa pay-per-view channel. Kaya hindi naman ako nag aksaya ng mili-seconds! Dali dali kong nilipat at ayon nga ang lufeeeeet!!!

Nasa round 2 na ang bakbakan. Hindi ko na inusisa kung bat may lumabas sa pay-per-view o kung may balak ba akong singilin ng TFC pagkatapos kung manood.

Medyo kinabahan ako ng makita ko sa ring ang laki ni Margarito. Para ngang laban ni David at Goliath. Sigurado mas masakit ang paisa-isang suntok ni Margarito dahil sa laki nito. Ikaw ba naman ay tamaan ng sangkatutak na suntok na kahit hindi masakit, san pa at mamamaga rin ang mukha mo. Pero nanaig pa rin ang bilis ni Pacquiao laban sa mas malakas pero mabagal na si Margarito.

Mas gusto ko sanang manalo si Pacquiao via technical knock out. Para mas dramatic ang ending! Pero kuntento na rin ako dahil para na ring knockout ang nangyari dahil nagmatigas referee na ituloy ang laban kahit "butcha" na si Margarito 10 rounds pa lang.

Ilan din sa mga kabayan na OFW dito sa UAE ang nag half-day o nag pa late sa trabaho dahil sa laban ni Pacquiao. Kahit nga ang ibang lahi napabilib rin kay Pacquiao.

Pero ang nakakatuwa sa lahat ang aksyon na ito ay napanood ko na libre. Palagay ko technical error lang. Wag lang magkakamaling maningil ang TFC dahil innocent naman ako sa pangyayaring ito. If they try bibigyan ko sila ng super-whopping upper cut! 


Monday, November 8, 2010

Food for Thought

Be inspired by reading this beautiful tale from Bo Sanchez:

 One day, a mouse looked through the crack in the wall to see the farmer and his wife open a package. “What food might this contain?” The mouse wondered. He was devastated to discover it was a mousetrap.


Retreating to the farmyard, the mouse proclaimed this warning: “There is a mousetrap in the house! There is a mousetrap in the house!”


The chicken clucked and scratched, raised her head and said, “Mr. Mouse, I can tell this is a grave concern to you, but it is of no consequence to me. I cannot be bothered by it.”


The mouse turned to the pig and told him, “There is a mousetrap in the house! There is a mousetrap in the house!”


The pig sympathized, but said, “I am so very sorry, Mr. Mouse, but there is nothing I can do about it


but pray. Be assured you are in my prayers.”


The mouse turned to the cow and said, “There is a mousetrap in the house! There is a mousetrap in the house!”


The cow said, “Wow, Mr. Mouse. I’m sorry for you, but it’s no skin off my nose.”


So, the mouse returned to the house, head down and dejected, to face the farmer’s mousetrap. Alone. . .


That very night a sound was heard throughout the house – the sound Of a mousetrap catching its prey.


The farmer’s wife rushed to see what was caught. In the darkness, she did not see it. It was a venomous snake whose tail was caught in the trap. The snake bit the farmer’s wife. The farmer rushed her to the hospital. When she returned home she still had a fever. Everyone knows you treat a fever with fresh chicken soup. So the farmer took his hatchet to the farmyard for the soup’s main ingredient: Chicken!


But his wife’s sickness continued. Friends and neighbors came to sit with her around the clock. To feed them, the farmer butchered (who else?) the pig.


But, alas, the farmer’s wife did not get well… She died.


So many people came for her funeral that the farmer had the cow slaughtered to provide enough meat for all of them for the funeral luncheon.


And the mouse looked upon it all from his crack in the wall with great sadness.


So, the next time you hear someone is facing a problem and you think it doesn’t concern you, remember–When one of us is threatened, we are all at risk. We are all involved in this journey called life. We must keep an eye out for one another and make an extra effort to encourage one another.


Each of us is a vital thread in another person’s tapestry. Our lives are woven together for a reason.

Monday, October 25, 2010

Abandoned Cars in Dubai Airport

Noong magsimulang bumulusok pababa ang ekonomiya ng Dubai bandang first quarter ng 2009, maraming mga bali-balita na napuno daw ang parking lot ng Dubai Airport dahil sa mga inabandonang mga sasakayan. Inabandona ng may ari sa posibleng maraming dahilan. Isa na marahil ay natanggal sa trabaho. May napabalita pa nga daw na halos umabot sa 3,000 ang mga abandoned car sa Dubai Airport.

Mga 90% ng population sa UAE ay mga foreign workers na umaasa sa magandang ekonomiya. Sa hindi inaasahan mas malala ang epekto ng pagbagsak ng ekonomiya lalo na sa Dubai.

Akala ko tapos na ang ganitong insidente sa Dubai. Dahil patapos na ang 2010. Pero mali ako. Isa lamang marahil na indekasyon na marami na talagang lumayas sa Dubai. 

Tulad natyempuhan komg bagong model ng Toyota RAV 4 sa parking lot ng Dubai Airport, puno ng alikabok at flat ang gulong. Posibleng pinoy ang may ari kasi may sticker ng Pinas sa likod at naka register sa Abu Dhabi. Sa palagay ko nawalan ng trabaho ang may ari nitong RAV 4 at may balanse pa sa banko ang sasakyan. Kaya iniwan na lang. 

abandoned car in Dubai Airport

abandoned car in Dubai Airport

Ito namang isa na halos katapat lang sa parking ng naunang sasakyan halos ganon din ang kondisyon. Napagkatuwaan ding sulatan ng mga mokong sa parking ang windshield ng sasakyan. Tulad ng "FOR SALE 100 AED", "Clean Me", "Afghan".


abandoned car in Dubai Airport

abandoned car in Dubai Airport
 Eh kaysa nga naman makulong dahil hindi na mabayaran ang monthly payments ng kotse. Mas mabuti na ring mag eskapo na. Sayang lang at hindi naman pwedeng maiuwi.

Ngayon ko lang na realize sa gitna ng kagipitan, ang kotse pwedeng disposable.


Thursday, October 21, 2010

Update: My Mutual Fund Investment



This short post is dedicated to Bro. Ike. Nahihirapan daw kasi syang magbasa ng post kong tagalog. Ma-english nga....

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

If you haven't read my previous post about my Mutual Fund investment click here.

I invested a total 40,000 pesos in Mutual Funds back in December 2007. 

I bought 54 Philam Strategic Growth Fund (PSGF) shares for 356.80 pesos per share and 9,205 GSIS Mutual Fund shares for 2.157 pesos per share from Philam Asset Management Inc (PAMI).

For almost 3 years I have been watching how my investments performance as it slides to a low of about 
P 216 NAVS for PSGF back in 2009. That was time that I thought that investing in Mutual Funds is not worth at all. Being an OFW losing a hard earned money is a pain in the butt. 

But recently the stock market in the Philippines soared like crazy! Maybe it is brought by investors who are pouring a lot on investments due to a newly found confidence in the leadership of P Noy. P Noy must be grinning ear to ear and so am I.

Just imagine, as of today my PSGF shares is worth P 487.26 and my GSIS Funds is worth P 2.88. Which means that my investment grew at the rate of 34% to 37% in less than 3 years. So much better than putting money in time deposit.

In effect my small investment of roughly P 39,000 3 years ago, less the fee ( yes, they take service fee!) is now P 53,000.00. Not bad! Considering that I invested only once. Just imagine, lets say I put P 5,000 every month for 3 years . I would have been richer by now!

Tuesday, October 5, 2010

The Falcons is Soaring...sa wakas


Isa sa pinakamalakas na basketball team sa kakatapos na UAAP Season 73 ay Adamson Soaring Falcons.

Ako ay Adamsonian. Pero ni minsan hindi ako naging interesadong manood ng larong basketball ng Falcons dahil alam ko kadalasan lagi namang talunan at tambak ang score. Minsan naiisip ko na pampataas lang ng standing ng ibang teams pag Falcons ang kalaban. Kahit pa noong unang tapak ko sa Adamson, mas naging fan pa ako ng ibang mga malalakas na team tulad ng UST Growling Tigers, Ateneo Blue Eagles at La Salle Green Archers.

Dahil nga sa predictable na ang kalalabasan ng laro, madalang ang mga nanonood ng laro ng Falcons.

Ang style kasi nitong mga PE teachers nong freshman ako ay i require ang mga estudyante na manood ng boring na laro ng Falcons. Para syempre may pumalakpak sa iilang score na mai shoot. Kung baga sa eleksyon ang mga freshmen ang mga "flying voters".  

Noong 1994, hindi nakalaro ang Falcons sa UAAP dahil kay Marlou Aquino. Pano ba naman kasi, alam naman ng university ng kulang sa required na units itong si Marlou ay pinaglaro pa rin sa UAAP. Pero kahit pa nag sabay sina Kenneth Duremdes, EJ Feihl at Marlou Aquino, dalawang beses pa rin silang pinataob sa championship ng UST Growling Tigers noong 1993 at FEU Tamaraws noong 1992.

Nag-iisa lang ang korona ng Falcons sa basketball sa pangunguna ni Hector Calma noon pang 1977. 

Pero sa nakaraang Season 73, nagulat ako sa pinakitang galing ng Adalson Falcons  Mula sa 5th standing from last year, umangat sa pang tatlong pwesto ngayong taon.

Kaya hindi ko pinalagpas ang mga laro ng Falcons sa TFC dahil kahit ang mga magagaling na team tulad ng FEU Tamaraw ay natalo na rin nila. Ngayon lang ako napabilib sa team ng Adamson Soaring Falcons dahil halos malalakas ang mga players nila kahit pa sabihin na nating 28 na magkasunod na tinalo ng Ateneo Blue Eagles ang Falcons since 1997 pa at 17 beses ding tinalo ng FEU Tamaraws since 2002.

Si Alex Nuyles ang paborito kung player sa Falcons. Naalala ko si Bong Alvarez pag naglalaro itong si Nuyles. Panoorin nyo na lang ang sample dunk ni Nuyles:



Ilan sa mga sikat na players ng Falcons ay sila:


  • Kenneth Duremdes (1998 PBA MVP,played at former sunkist now Coca Cola Tigers, 1996 Alaska Milk Grandslam)



  • Ken Bono (2007 UAAP MVP, first round Pick by Alaska, traded to San Miguel and now playing for Coca Cola Tigers)



  • Edward Joseph Feihl former Purefoods TJ Hotdog



  • Hector Calma former San Miguel Beer Player, 1989 Grandslam with San Miguel Beer Man



  • Eddie Laure former MVP on MBA disband, former shell turbo charger, alaska Milk and now playing for Rain or Shine



  • Louie Alas (Letran Knights head coach)



  • Mel Alas coach for 68th season of UAAP



  • Richard "Chad" Alonzo former Purefoods Tj Hotdogs and now plying for Red Bull Barako



  • Leo Canuday



  • Patrick Cabahug



  • Roel Hugnatan



  • Melvin Mamaclay former Sta. Lucia Realtors



  • Mark Abadia



  • Ramil Tagupa



  • Elmer Layug



  • Dennis Madrid



  • Gherome Ejercito former Air 21 Express



  • Jonathan De Guzman



  • Glen Peter Yap



  • Erwin Luna


  •  source: http://en.wikipedia.org/wiki/Adamson_Falcons


    Unti-unting bumabalik ang kompiyansa ko sa Falcons. Sa susunod na taon sa UAAP Season 74 aabangan ko ang bawat laban ng Adamson Soaring Falcons.

    Friday, September 17, 2010

    Brownout sa amin

    Ano ang mas mahalaga kuryente o tubig?

    Kung sa atin sa Pinas ay nagkakaroon ng crisis sa tubig dito naman sa amin sa Sharjah, UAE ay nagkakaproblema naman sa kuryente.

    photo courtesy of gulf news
    Mga dalawang buwan na rin siguro ang nakakaraan ng nagkaroon ng malawakang rotating brownout dito. Pero hindi ito ang una dahil mga ganitong buwan din ng nakaraan na taon ay nakaranas din ng brownout.

    Sa tindi ng temperature na mga 45 celcius, halos hindi na ako makahinga dahil walang umiikot na hangin sa flat. Ang mas nakakaawa ay ang dalawang maliit kong mga tsikiting na pawis na pawis sa tindi ng init. Hindi lamang problema ang kawalan ng kuryente kundi problema rin na baka mawalan ng tubig dahil hindi gagana ang motor ng tubig. At dahil kalilipat lang namin sa bagong flat ay hindi pa kami kinakabitan ng koneksyon para sa gas sa pagluluto kaya electric stove ang gamit namin.

    photo courtesy of gulf news
    Walang maibigay na paliwanag ang SEWA o Sharjah Electric and Sewage Authority (parang pinagsamang Meralco at MWSS sa Pinas) tungkol sa halos mga isang linggong ring problema. Kahit kabi-kabila ang sandamukal na reklamo ng maraming tao pinagkibit balikat lang ito ng SEWA. 

    Sa palagay ko, sa laki ng demand ng kuryente dahil sa kainitan noon ay di kayang suplayan ang mga ito. Ang resulta, maraming negosyo ang nalugi lalo na yong mga groceries. 

    Ayon din sa bali balita, malaki daw ang pagkakautang nitong SEWA.
    Sa gabi maraming tao ang tumatambay sa labas o sa may park. Ang iba naman ay minabuting magsiksikan sa City Center Sharjah na may nakaabang na generator. Dahil may mga area na 8 oras ang walang kuryente.

    photo courtesy of gulf news
    photo courtesy of gulf news



    Isang kaibigan ang nakasabayan naming magtambay sa City Center Sharjah isang hapon. Sabi anya bumaba pa daw sya galing sa 14th floor dahil hindi gumana ang elevator dahil sa brownout. Buti nalang at nasa 1st floor lang kami nakatira kaya hindi mahirap bumaba.

    Ang style naman namin para makaiwas sa init ay magtawag ng mga kaibigan na may kuryente at makiusap na tumambay ng ilang oras. 
    Sa ngayon balik normal na ulit ang kuryente. Palagay ko nahanapan na rin ng solusyon ng SEWA ang problema. shukran!

    Wednesday, September 15, 2010

    Peso vs. Dollar


    Pababa ang trend ng peso kontra dolyar sa ngayon. Ayon sa balita sa TV patrol noong isang gabi malamang magiging P 42 = $ 1 ang palitan sa loob ng anim na buwan. Dagdag pa ng isang ekonomista, posibleng magiging P 40 = $ 1 pa daw ang palitan dahil sa lumalakas na ekonomiya ng Pilipinas.

    Sa ganitong sitwasyon, malamang nakangiti si P-Noy. Bumabalik na kasi ang kompiyansa ng mga namumuhunan sa Pinas. Dahil siguro mas kampante silang si P-Noy ang presidente na parang walang kabalak balak mangurakot sa pwesto.

    Pero sa isang OFW na katulad ko, ito ay isang masakit na balita at mas masakit sa bulsa. Dahil ibig sabihin mas lalaki ang kailangang ipadala para matustusan ang gastos sa Pinas.

    Naalala ko pa noong mga 2004, ang palitan ng dollar noon ay halos umabot sa P 56 at ang dirhams naman ay mga P 15. Kaya naman sa kakarampot kong sahod noon ay nabayaran ko ang tatlong "over-used" credit cards kong naiwan sa Pinas. Pesteng credit card talaga. Masarap gumastos pero kalbaryong bayadan.

    Dahil na rin sa inflation, tumaas na lahat ang mga bilihin hindi lamang dito sa Dubai pati na rin sa Pinas. Naalala ko pa na ang dinatnan kong isang pirasong grilled chicken na kasing laki ng kalapati sa Spinneys Supermarket ay 5 Dirhams. O-M-G! After 6 years ang dating manok na ga-kalapati ay hindi pa rin lumaki. Pero doble na ang presyo sa halagang 10 Dirhams.

    "What-to-do", sabi nga ng mga Pana. Kaya kahit lumaki ang sahod halos ganon pa din ang purchasing power ng pera. Minsan kulang pa ngang pang grocery ang nakabudget na pera.

    Ganon talaga. Hindi naman pwedeng ibato kay Obama ang sisi kung bakit ba kailangang may ganitong pagtaas at pagbaba ng dollar o peso.

    Sa mga katulad kong OFW, kunting tiis lang makakaraos din tayo.

    Tuesday, August 3, 2010

    Watch ABS-CBN LIVE!!!!


    Mga kabayan, pwede mo ng mapanood ang mga inaabangang mo mga palabas sa ABS CBN. Yon nga lang kung nasanay ka ng manood TFC medyo nakakaumay na ang mga sandamukal na patalastas.


    Get Microsoft Silverlight

    Monday, August 2, 2010

    The Tale of Mang Oyong and E-passport in Dubai


    Repost po galing sa isang yahoogroup sa Dubai:




    Mga kaibigan, kung kayo po ay nagawi na o nag babalak na pumunta sa Consulate ng Pilipinas sa Al Ghusais, Dubai-- basahin nyo po muna itong nangyari saakin na sukdulan ang nakabastusan at kagaspangan ng pag uugali ng isang tao na nag-ngangalang "OYONG". "OYONG" akalain nyong ang bagyong Oyong pala eh nakarating sa Dubai?

    Araw po ng Linggo, July 18, 2010 sa oras na 12:00 hapon- 2:00 pm, ako po ay nasa tanggapan sa Philippine Consulate - Al Ghusais para mag pa-renew po ng aking pasaporte. Mula sa aking pinagta-trabahuan, sa layo nun at sa init sa katanghalian, sinadya ko ang tanggapan. Bilang isang baguhan sa pag papa-renew, gusto ko malaman ang proceso sa pag renew ng pasaporte, dahil alam ko, mahirap ang pupunta sa embahada ng walang alam. Tinignan ko ang iyong website , may mga forms pa nga kayo dun na pwede i-download, pero hindi rin pala ito pwede at dun na rin sa tanggapan makakakuha ng libre. Sa website nyo, nandun din ang landline nyo, tinawagan ko rin naman ang information ng etisalat para malaman ko rin ano ang numero sa tanggapan—dahil hindi po biro na sasadyain ko ang AlGhusais ng wala akong mapapala sa huli. Sa sinamang palad, mula nung Sabado, hanggang sa mga oras na ito (3:39pm July 19, 2010- Monday) wala pa rin sumasagot sa landline —04-2544331, tama po ba? At kung sa may sasagot naman, ang answering machine na kung saan eh matapos na magsalita ay mawawala na rin ng bigla pagkaraan na i-dial ang local no. at tuluyan ng walang sasagot.

    Ng dumating ako sa tanggapan nayan, natural lang na madadatnan mo ang maraming tao, nag tanong tanong ako at tinuro naman ako sa isang pinto mula sa gate kanan. Pag bukas ko ng pinto, nandun ang mga tao na tulad ko nag re-renew din, ang karamihan- nakapila. Nag tanong ako sa isang babae na nasa huling pila, at itinuro ako sa isang mesa sa tapat ng pinto. Isang lalaki na naka barong na kulay- old rose, at may bigote. Dun daw po ako lalapit at kukuha ng schedule para sa renewal. Paglapit ko sa table nya, meron pa syang kausap na isang babae na ibang lahi—naka abaya. Malinaw na hindi sya isang Pinoy dahil sa kanyang pananalita na Ingles. Ng mag tanong sya sa lalaking na naka barong na may bigote nga, ang tanong ng babae “Where to pay this?” PABALANG na sumagot ang lalaki na ito, (ito nalang ata ang paraan ng alam nya kung paano umistama ng mga gaya ko na dinadayo ang isang lugar na napakalayo sa syudad.) "You go Al Ghusais, you pay and come back here!" yan ang sagot nya sa babae na take note, IBANG LAHI. Matapos ang babae, ako na ang sumunod- sa mga oras na ito, wala ng pila. Tinanong ko sya ng MAAYOS. "Sir, kuya, san po ba ang renewal?' tinuro ako sa pila, "renewal section". Ng pumila ako, nag tanong ako dun sa isang babae, ano ang procedure ng pag renew.Nakita nya na wala pa pala akong schedule at form, tinuro nya ako dun sa lalaki (sya parin-- si Oyong parin!) nilapitan ko, nag tanong ako ano procedure. Hiningi nya ang aking passport, sabi nya na PABALANG na naman "Passport mo?!" so binigay ko, may kung anong inencode sya at inistapler sa passport ko. Tanong ulit ako, ano procedure ng renewal. Mantakin nyo bang sagot nya eh "Ayan passport mo! binigyan na kita ng schedule, di mo ba nakikita?!" Nakita ko nga yung inistapler pala nya, schedule ng pag balik ko sa Wed. July 21. Umupo akos a tabi nya at finil-apan ko yung form. may dumating na isang Indiano- kamalasan, yun parin ang pinagtanungan. Tanong ng Indiano "how can i get a visa going to Phils?" aba ang sagot ng "OYONG" kinuha ang papel na inaabot ng Indiano, at sinagot na PABALANG na naman "You did not write your wife name here!" ang gaspang ng ugali hindi ba? Pangalawang dayuhan ang nag tanong sa tao na ito, pero pareho pa rin ang gaspang na ipinakita nitong OYONG na ito. Binalikan ko sya matapos kong nafil-apan ang form at nag tanong, ano ang susunod na gagawin ko. Aba ang sagot ba naman sakin, "binigyan na kita ng shedule, bumalik ka nalang sa araw ng schedule?!" aba at nag pantig na ang tenga ko sa BASTOS na OYONG. Sinabihan ko sya kung gaano ka gaspang at kabastos ang ugali nya saakin at sa mga tao na nag tatanong sa kanya. Tinanong ko ang pangalan nya, lalong uminit ang nangyari dahil alam na nya na galit na ako at talagang irereklamo ko na sya. Mukat ba naman sabihin sakin na "Sige! magreklamo ka! dun sa opisina!" ang tapang diba? isang empleyado na nag tatrabaho sa ahensya ng Pilipinas kung sumagot sa mga Pinoy o sa mga ibang lahi ay kagaspangan ang ipinakikita nya.

    Nag tungo ako dun sa loob ng consulate maraming tao-- pag pasok nyo, merong mesa sa gitna, wala naman naka-upo. Naghitany ako, nag tanong kung nasaan yung naka-upo sa mesa, may lumapit na babae, may ka-edaran na rin at mahaba ang buhok-- tanong nya ano kailangan ko, sinabi ko na may irereklamo ako na isang kasamahan nila at san po ba ako mag rereklamo. Ng dumating yung nakaupo sa mesa, parehong tanogn din, parehong sagot din-- paulit ulit ang usapan. Tinanong ko ano ang pangalan ng lalaki na nasa renewal o nag bibigay ng schedule ng renewal ng passport-- dito na ako nagulat sa mga sagot nilagn dalawa. HINDI DAW SILA ALLOWED NA SABIHIN ANG PANGALAN NG KASAMAHAN NILA. yan lang naman ang sagot nila. inamin din nung babae na nakausap ko, na sadyang ganun lang daw ang pag uugali ng lalaki na yun at mapagbiro daw. Pag bibiro ba ang tawag sa ganun? Nag bibiro na wala naman tumatawa? bagkus, lahat ng nakakaharap nya nakasimangot sa galit sa kanya?

    Dahil wala akong makuhang sagot sa dalawang babae-- ang tungo ako sa likod ng mesa na yun at dun may opisina. sa loob pala, nandun pala ang kuhanan ng picture para sa passport- eto yung bandang kaliwa at sa kanan naman may opisina, na kung saan may babae na naka upo (kumakain) at isang babae na bantay ng 2 sanggol na nasa lapag ng mesa. Isang lalaki na naka barong na puti ang nasa tabi ko na lalapit din sa pupuntahan kong opisina. Nang magkaroon ako ng pag kakataon at tinanogn naman ako ng babae ano ang kailangan ko, sinabi ko na ang aking pakay na "may irereklamo lang po sana ako na empleyado nyo" ulit ulit na naman na usapan. Sa bandang huli, di rin nila naibigay sakin ang pangalan ng lalaki na tinutukoy ko. Sinamahan ako ng lalaking naka barong na puti patungo dun sa "OYONG".

    nag mag ktia kami ulit, mamukat sabihin ng OYONG saakin "ano mag rereklamo ka? irereklamo mo ako? dun ka sa pulis mag reklamo" o diba? ang tapang ng sagot ng tao na ito? sa hinaba haba ng oras na nilagi ko doon sa CONSULATE na yun, dun lang ako namangha sa mga nag tatrabaho na nag tatakipan ng kapwa nila. Sabat ng naka barong na lalaki, mabuti pa dun nlang kayo sa loob mag usap. Sabat ng OYONG 'sgie samahan kita dun sa loob at dun ka magreklamo huh?!" Pag balik namin sa loob, sa haba ng usapan, naitanong ko kung paano ko irereklamo ang tao na yun, sagot ng nakabarong, i written complaint ko nga daw-- ABA, PANO KO KAKO- IREREKLAMO ANG TAONG AYAW MAG PAKILALA MAN LANG NG PANGALAN? At ni isa sa kanila doon ay ayaw sabihin ang pangalan? Sabat ng OYONG: "sige irereklamo mo ako, irereklamo din kita.. ano pangalan mo? " inawat sya ng lalaking nakaupo na kausap namin at nabanggit sa wakas ang OYONG na pangalan. Tinanong ko ng ilagn ulit ang pangalan-- di daw talaga sila allowed mag sabi ng pangalan. Tingin ko sa oras na yun, halos 2 oras na rin nasayang ang oras ko sa mga taong hindi ko malaman kung anong klaseng PROTOCOL meron sila. Hinarap ko ang taong nag ngangalang "OYONG" at sinabi ko sa mukha nya na "AKO HINDI MO KILALA? AT TINATANONG MO ANO PANGALAN KO? HINDI BAT BINIGAY KO ANG PASSPORT KO KANINA SAYO AT BINIGYAN MO AKO NG SCHEDULE? BAKIT HINDI MO BALIKAN ANG COMPUTER MO KUNG SAN MO INENCODE ANG PANGALAN KO AT MOBILE NUMBER KO AT DUN KA MAG REKLAMO? TATANUNGIN MO ANO PANGALAN KO KUNG AKO NA KANINA PA NAG TATANONG SA MGA TAO DITO KUNG ANO ANG PANGALAN MO AT MAIRELAMO KITA SA TAMANG PARAAN -NI ISA WALANG MAKAPAG SABI NG PANGALAN MO! BASTOS! "

    NI ISA SA KANILA WALANG NAKAPAG SABI SAKIN KUNG ANO ANG PANGALAN NG TAO NA ITO. Kung makikita nyo ang group picture na naka post dito, hindi naman sila libo kung bilangin mo at para hindi sila magkakakilanlan diba? sa mga kaibigan kong nag karoon ng parehong pangyayari ng pambabastos nitong OYONG na ito, at sa mga pupunta sa consulate. Sana maging daan ito para malaman ng mga taga CONSULATE NG PILIPINAS dito po sa Dubai na HINDI PO TAMA NA MAG PAKITA NG KAGASPANGAN NG PAG UUGALI ANG MGA OFW NA NAG TUTUNGO DYAN SA OPISINA NA YAN DAHIL KAYO PO AY MGA EMPLYEADO NA NAG BIBIGAY NG SERBISYO SA PUBLICO-- KUNG SAKALING HINDI NYO KAYANG MAG BIGAY NG KAGANDAHANG ASAL SA MGA SINASABI NINYONG MGA BAYANI NG BAYANG PILIPINAS (OFW) EH MAY CHOICE KAYO NA MAG RESIGN. AT HWUAG MAMBASTOS NG MGA PILIPINO AT MGA IBANG LAHI NA GUSTONG PUMUNTA SA BAYAN NATIN.

    Rowena Santos

    Sharjah, UAE

    =================================================================

    Baka naman itong si Mang Oyong ng Philippine Consulate dito sa Dubai ay may dinadalang mabigat na problema kaya lagi syang masungit. Pero bilang isang public opisyal ng isang konsolado, dapat lang na maging mahinahon sa pagsisilbi sa mga OFW. Sa totoo lang bawat lakad sa konsolado o embassy ay dapat mo pang lumiban sa trabaho at bawat oras na ititigil mo sa pag aayos ng mga papeles ay mahalaga.

    But what really is the correct procedure in getting the E-passport?
    Memo for issuance of E-Passport in Dubai

    For those of you who will renew their passports in the very near future, the process has now been changed again, please read below so that you will not get disappointed when you renew yours, unfortunately, it has become a long process...

    Being working people, we would then need to apply for 3 days leave of absence from our work in able for us to renew our passports!!!

    Before, it would only take a day to process everything then come back on a specified date, 3 weeks or a month later to get your new passport.

    Now, you will need 3 days!!!

    DAY ONE:            go to the Consulate and fall in line just to get a queue/turn number which will specify the date you will need to come back!!!

    DAY TWO:          after getting the scheduled date, this is where the actual processing takes place...

    It seems the so called new "e-Passport" is the one that supposedly have a microchip embedded behind the back cover of the passport, the "old" passport was indeed (MRP) Machine Readable Passport, but does not carry the microchip!

    DAY THREE:        go back to the Consulate to get the documents of the processing and also your old passport (for safe-keeping until the new one comes) and the date you are suppose to come back to collect your new "e-Passport"

    Sunday, July 4, 2010

    Kotse mo ba to?


    May inquiry ako galing sa isang kliyente sa Angola na gustong bumili ng isang bagong diesel na Toyota Hilux.  Paghatid ko sa mga bata nursery at kay kay misis sa opisina kaninang umaga, dumiretso na ako sa Dubai para mag canvass ng murang presyo ng sasakyan.

    Ang Al Aweer Used Car Complex ay parang tiyange ng mga bago at used na kotse sa Dubai. Halos lahat na ata na model at yari ay makikita mo dito. Sa loob ng complex dikit dikit na nakaparada ang ibat ibang sasakyan. May malaki. May maliit. Halos wala ng parking lot minsan dahil sa daming kotse na nakaparada loob. Dinarayo ito ng mga ibat ibang lahi na gustong ibenta ang kotse, mag swap o di kaya ay bumili ng bago. Kalimitan cash ang bayaran kasi for export ang mga sasakyan. Pwede rin bumili for local use pero syempre mas mataas ng kunti ang presyo.

    Matapos akong magtanong sa ibat ibang supplier ng hinahanap kong kotse, umikot muna ako at binusog ko ang mga mata ko sa mga magagarang sasakyan na nakikita ko. Minsan din akong nangarap na magkaroon ng sarili kong kotse noong bagong dating ako sa Dubai. Dahil sa init ng panahon dito sa Dubai, mas ok na may  tsikot para hindi mainip sa kahihintay ng bus ng RTA o taxi.

    Pumarada ako sa tapat ng isang showroom. Pagpasok ko bumati sa akin ang kabayang receptionist. Kunwari nagtanong ako ng presyo ng isang kotse na nakadisplay. Pero ang talagang pakay ko ay magpa-kodak sa nakadisplay na Lamborghini. 

    Habang nag tse tsek si Mari (ang kabayang receptionist) ng presyo ng kotseng kunwari ay tinatanong ko sa desktop nya, sinamantala ko ang pagkakataon para sa aking photo op. 

    "Pa kodak ka lang dyan kuya, habang wala pa amo ko", sabi ni Mari.

    Gusto ko pa sanang umupo sa driver seat pero malas ko lang dahil dahil may warning sa windshield ng sasakyan.
    "Don't touch me please."

    O sige na! Isnabiro pala itong Italianong kotse sa mga bisita.

    Mantakin mo nakakalula pala ang presyo ng ganitong modelo ng Lamborghini. Pag full option aabot ng mga 350,000 usd lang naman ang presyo. Itong nakita ko mga 140,000 usd dahil basic option lang. walandyo talaga as in! what a mess! Sa laki ng makina nito na V12, may top speed na 320 km/hr at kayang mag accelerate from 0-100 km in 3.2 sec, makikipagpustahan ako sa yo, tanggal ang muta mo.




    Thursday, July 1, 2010

    Abu Dhabi Slashed traffic fine by 50%


    Abu Dhabi announced that it has reduced the traffic fines by half which resulted to a huge rush in traffic department following a ministerial decree issued by Shaikh Saif Bin Zayed Al Nahyan, UAE Deputy Prime Minister and Minister of Interior. This prompted the traffic department to work overtime until midnight.

     It was reported that an Arab expatriate woman who no longer resides in UAE accumulated 186,900 dirhams ( $ 51,000) of fines.

    I hope that Abu Dhabi will lead other emirates to follow the same action especially Dubai with 1 million registered vehicles as of 2009 data.

    How to pay traffic fines in Dubai?

    Dubai Traffic Violation Website


    Go to Dubai Traffic website. You will have several options to verify if you have traffic penalty. You can either pay online or pay over the counter. If your traffic penalty is highlighted in red you have to pay directly to police traffic department in Dubai. Another option also is you can wait until your car is up for registration for payment. You cannot proceed for registration until fines are paid anyway.

    Last time when I registered my car I accumulated total fines of 150% more than the registration fee because of two over speeding on a 80 km. road, lane discipline violation and SALIK fine. In the process I received 2 black points.

    For comprehensive list of Dubai traffic violations, fines and black points click here.


    Sunday, June 27, 2010

    Kish Me - Kwentong Dubai Unang Kabanata


    Marami ang mga pinoy na nakikipagsapalaran para maghanap ng trabaho sa UAE ay mga visit visa. Ibig sabihin mga ilang linggo lang ang palugit para makahanap ng employer at makakuha ng working visa. Parang nagtutulay ka sa alamre pag napadpad ka sa UAE sa ganitong status. Dahil hindi mo alam kung kailan ka magkakatrabaho ng matino at kung hindi ay malamang gagastos ka ng malaki dahil dapat mong mag exit sa UAE. Gagastos ka na naman para sa panibagong visa para makapasok sa  ulit sa UAE.

    Isa ako sa mga nag lakas loob na maghanap ng magandang kapalaran sa Dubai.  

    Syempre bagong dating sa Dubai. Walang pera dahil naubos ang pera ko pagbili ng visit visa. $ 100  lang at lakas ng loob ang baon ko. At syempre paawa effect sa mga kaibigan para pautangin ng pang bed space at pambili ng pagkain. Inutang ko pa sa tito ko ang pamasahe ko sa Emirates Airlines. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Sa ilang taon din na nagtrabaho ako sa pinas ni singkong duling wala akong ipon. Mas mahirap pa ata ako sa daga.

    August ako ng dumating sa Dubai noon. Napansin ang kakaibang init ng panahon paglabas ko pa lang ng eroplano. At take note ito ang unang bansang napuntahan ko.

    Napadpad ako sa bandang Karama. Nakibed space ako sa isang flat sa may Al Attar building.  Dahil sa dami ng pinoy , maituturing kong isang malaking barangay ang Al Attar building. Sa flat kung saan ako unang tumira, 22 kaming mga barako ang nagsiksikan sa mga double deck na kama. Yong isang kwarto 6 ang natutulog. Sa salas na ginawa na ring kwarto ay walo at sa hallway kung san ako nakapwesto ay anim. Sa isa pang  kwarto ay para sa mag asawang may ari ng flat.

    Sa pwesto ko laging gabi. Shifting kasi ang kasama ko sa kwarto na ang partition ay isang makapal na kurtina kaya madalas patay ang ilaw. Ang banyo walang linisan kaya mas mapanghi pa sa pink na urinals na pinauso ni Bayani Fernando sa EDSA. Sa kusina nakapila hanggang pinto ang mga labahan lalo na pag friday sa iisang front load na washing machine.

    Pag tulugan na, lagi kong katabi ang pula kong flashlight. Pangbugaw ko sa mga suking arabong ipis na ginagawang playing field ang kama ko.  At siyempre ang  mga surot na paborit akong ngatngatin.

    Sa karama natuto akong magtipid. Sa dami ng nagluluto ng hapunan at pang baon sa kusina, nagkasya na lamang ako sa isang shawarma at 7 up sa gabi. Solb ba ako. Wala namang TFC pa non sa flat dahil dagdag gastos pa. Kaya inaaliw ko na lang ang sarili kong tumambay sa bilyaran sa ground floor sa Al Attar bago matulog.

    Ang Karama area ay isa sa sikat na lugar ng mga pinoy sa Dubai. Feeling mo nasa DV mall ka lang dahil ang ibang mga lahi na tindiro sa mga tindahan ay natuto na ring magtagalog. Dito makikita ang karamihan na mga pinoy restaurant tulad ng Chowking, Agimono Restaurant, Delmon restaurant, Tagpuan restaurant,  Bulwagan  Filipino Restaurant, Salt and Pepper Restaurant at kung ano ano pang mga lugawan, gotohan, sago at tokneneng. Nandyan din ang mga pinoy grocery na kung saan makakabili ng mga pork products at mga pagkaing  pinoy.  Giant Supermarket, CM Supermarket, WestZone Supermarket, Thomson Grocery at iba pa.

    Sa Karama rin ako unang nakahanap ng trabaho.

    Itutuloy.............


    Wednesday, June 23, 2010

    Interesting Facts About Breasts

    YM hack

    isang tagpo sa YM chat:

    friend ko daw: musta na favor naman
    me: yes
    friend ko daw: musta na san ka ngayon
    me: dito sa bahay ikaw?
    friend ko daw : bahay ng friend ko
    friend ko daw : ask ko lang baka meron ka alam na mabibilan ng prepaid cards load
    me: o ano balita
    friend ko daw : baka meron ka alam
    friend ko daw: nid ko kasi business ko kasi dito hindi ko makontak yung supplier ko
    friend ko daw: kahit tubuan ko nalang sayo
    me: wla akong alam sa tindahan
    me: wala akong pera
    me: marami na kasing ganitong style. at na hack ang mga email address. at alam ko isa ka sa mga hacker! utang ina mo!

    ========================================================== 


    Mga aral:

    1. tumawag, magtanong at mag imbestiga
    2. wag maniwala kaagad
    3. wag kang engot
    4. magmura kung kinakailangan